Baby girl ni Nikki Gil na si Maddie, pinanggigilan ng ibang celebrity mommies dahil sa ka-cutean!

Talagang kakaiba ang kasiyahan na naibibigay ng isang baby sa ating buhay kaya naman hindi napigilan ng karamihan lalo na ng Momshies na maaliw sa kakyutan ng baby girl ni Nikki Gil na si Maddie na ngayon ay source ng good vibes sa social media.

Credit: @nikkigil Instagram

Sa cuteness ni baby Maddie, sino ba naman ang hindi manggigil sa tuwing ibinabahagi ng kanyang Mommy Nikki ang kanyang pictures? Dahil dito, talagang inaabangan ng fans pati ng kapwa celebrities ang bawat pagkakataong ito!

Matagal namang tapos sa pag-aartista, isa pa rin si Nikki Gil sa mga taong patuloy na sinusubaybayan ng netizens. Hindi naman katulad noon na madalas na nakikita sa telebisyon at nagpapamalas ng husay at galing sa pag-arte, nakatutok pa rin ang fans sa bawat update ng dating aktres sa kanyang social media accounts.

Noon pa man, talagang sinusuportahan na si Nikki ng kanyang fans at ngayon na may sarili ng pamilya, labis pa rin ang suportang binibigay ng kanyang mga tagahanga sa bawat milestone at tagumpay na nakakamit ni Nikki at kumakailan lamang nang muli na naman niyang naramdaman ang pagmamahal ng kanyang fans nang isinilang niya ang ikalawang anak nila ng asawang si BJ Albert na pinangalanan nilang si Madeline Elle o kung tawagin nila sa palayaw nitong si baby Maddie.

Credit: @nikkigil Instagram

Buwan ng October noong nakaraang taon nang muli na namang nadagdagan ang miyembro sa pamilya ng pamilyang Gil-Albert at sa bawat buwang lumilipas, mas lalo lamang na lumilitaw ang kakyutan ni baby Maddie. Sa kanyang radiance at pagiging bungisngis, mukhang hindi lamang sa kanyang sariling pamilya siya nakakapagbigay ng kasiyahan dahil pati celebrity Momshies ay aliw na aliw din sa kanya.

Sa kanilang pagdiriwang sa Chinese New Year, todo rin ang paghahanda ni Nikki sa magiging outfit ng kanyang baby girl kung saan ay nagsuot ito floral na qipao na may matching pa na isang cute na headband.

“Kung Hei Fat Choi 🐯🎉🧧😆,” sulat ni Nikki sa kanyang caption kalakip ng larawan ni baby Maddie kung saan ay makikita itong nakangiti at diretsong nakatingin sa kamera na parang isang pro.

Credit: @nikkigil Instagram

Kitang-kita ang iilang rolls sa braso at binti plus ang cute na cute pa nitong ngiti, talagang inulan ng papuri galing sa celebrity Momshies ang comment section ng mismong post ni Nikki.

“Oh my goodness ❤️❤️❤️,” komento ni Iya Villania.

“Grabe naman that cutiepie smile! 😍,” panggigil naman ni Chesca Kramer.

Credit: @nikkigil Instagram

“Awww hi cutie!!❤️❤️❤️,” sabi ni Camille Prats.

“Oh my cutieeeeee!!!!” Ayon naman kay Liz Uy.

Talagang walang makakapigil sa panggigil ng Momshies!