Umani ng maraming papuri mula sa netizens ang batang actress-host na si Cassy Legaspi dahil sa kanyang bagong hairstyle.
Dahil kasi sa bagong hairstyle ni Cassy kaya umano mas lumitaw ang pagkakahawig niya sa isang kilalang South Korean actress.
Credit: @zero1story_ Instagram
Napansin ng maraming netizens ang pagkakahawig ng isa sa mga kambal ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Korean actress na si Han Soo Hee.
Matatandaang sumikat sa maraming Pinoy si Han Soo Hee dahil sa sikat na 2020 Korean drama na “World of Married.”
Credit: @zero1story_ Instagram
Una namang napansin ng marami ang pagkakahawig ni Cassy sa aktres noong nakaraang taon. Mas lalo namang napansin ng maraming netizens ang pagkakahawig ni Cassy sa aktres dahil sa bagong gupit ng Kapuso actress.
Kamakailan ay inupload ng Zero 1 Story salon sa kanilang Instagram account ang litrato ni Cassy sa bagong hairstyle nito na Korean-inspired.
Credit: @cassy Instagram
Bumaha nga ang maraming komento ng netizens sa post ng nasabing salon dahil mas lalo umanong lumitaw ang pagkakahawig ni Cassy kay Han So Hee.
Lingid sa kaalaman ng marami, patuloy na namamayagpag ang kasikatan ng aktres dahil sa pinakabago nitong Korean Drama na “Nevertheless” na napapanood ngayon sa sikat na streaming site na Netflix. Gumanap si Han Soo Hee sa nasabing K-drama bilang “Nabi.”
Credit: @cassy Instagram
At makikita sa comment section ng Instagram post ng Zero 1 Story salon na maraming netizens ang sumasang-ayon na kamukha ni Cassy si ‘Nabi.’ Heto ang ilan sa kanilang mga komento:
“Agree! She looks like Nabi of Nevertheless! Ang ganda!”
“Akala ko si Nabi”
“Ay ang Pretty Cassandra looking like a Korean Superstar”
Credit: @cassy Instagram
“Han So Hee [heart emoji”
Samantala, sa isang online presscon, ibinahagi ni Cassy ang kanyang reaksyon sa mga taong nagsasabing kahawig niya ang South Korean actress.
Aminado si Cassy na kinikilig siya sa mga natatanggap niyang komento. Gayunpaman, iginiit ni Cassy na hindi niya nakikita ang pagkakahawig nila ng aktres.
“Everyone was saying that, especially sa social media po…I’m really kilig, but, at the same time, I don’t see it. She’s way, way prettier, guys, as in!”
Credit: @cassy Instagram
Nang tanungin naman si Cassy kung bakit nag-iba siya ng hairstyle, sinabi niyang gusto niyang mag-‘change look’. Ayon naman kay Cassy, Korean-inspired ang kanyang new hairstyle dahil din sa hilig niya sa K-pop.
“Na-inspire lang ako sa mga interests ko which is K-pop para lang mag-iba and mas healthy yung buhok,” ani Cassy.
Dagdag niya, “Well, I guess, I just felt like it kasi after First Yaya, parang sabi ko, ‘Change look na ako, palaging naka-ganun si Nina Acosta. So dapat iba na for Cassy Legaspi, that’s why I changed the look.”