Ramdam na ramdam na ng mga tagahanga ng “Box-Office King” actor na si John Lloyd Cruz ang kanyang pagbabalik sa showbiz matapos niyang ipakita ang kanyang bagong look.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Makikita sa ibinahaging litrato ng official Facebook fan page ni John Lloyd ang kanyang bagong gupit na buhok na talaga namang bumagay sa kanyang gwapong mukha.
Matapos niyang inanunsyo ang kanyang pagbabalik sa showbiz kamakailan lamang, pinagupitan na ni John Lloyd ang kanyang may kahabaang hairstyle.
Dahil sa kanyang bagong gupit ay kitang-kita na hindi pa rin talaga kumukupas ang taglay na kagwapuhan ni John Lloyd na kinahuhumalingan naman ng kanyang mga tagahanga.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Kalakip naman ng litrato ni John Lloyd ang mga katagang, “Choose to be happy.”
Mukhang kuntento at masayang-masaya na sa kanyang buhay ngayon si John Lloyd na ipinapakita naman ng kanyang magandang ngiti sa litrato.
Samantala, umani ng maraming komento mula sa mga netizen ang bagong look ni John Lloyd. Marami ang kinilig at talagang masaya sa pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd o mas kilala rin sa kanyang pangalan sa pelikulang “One More Chance” na “Popoy”. Komento nila:
“Looks good. That’s shows a person is happy and contented with life that God has offered.”
“you still look great whatever haircut you have you make me kilig popoy as always”
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
“New look, great smile…welcome back Loidy!”
“New hair new chapter of life idol”
“sobrang kilig ako sayo pot lalo na sa pangmalakasan mong haircut”
Marami na nga ang excited na mapanood muli si John Lloyd sa telebisyon pagkatapos ng apat na taon niyang pamamahinga sa mainstream television.
Matatandaan na noong 2017 nagdesisyon si John Lloyd na lumiban muna sa showbiz. Sa loob naman ng ilang taong pagliban ni John Lloyd ay maraming beses siyang na-spottan ng mga netizen na namumuhay ng simple at tahimik sa probinsiya.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Malaking dahilan din sa pagliban ni John Lloyd sa showbiz ang kanyang anak na si Elias. Si Elias ay anak ni John Lloyd sa kanyang dating kasintahan na si s3xy actress Ellen Adarna.
Sa isang panayam kamakailan lamang para sa “Uncut” online show ng MTRCB, inamin ni John Lloyd na “necessary pause” ang pagliban niya sa showbiz.
Ibinahagi rin ni John Lloyd sa panayam na simula nang dumating ang kanyang anak na si Elias ay para siyang nagkaroon ng bagong buhay.
Mukhang maraming proyekto namang dapat abangan ang mga tagahanga ni John Lloyd sa kanyang pagbabalik showbiz.
Isa na rito ang kanyang pelikulang “Servando Magdamag” na malapit na umano nilang matapos gawin.