Bagong love-team na sina Kylie Padilla at Andrea Torres, pinasabik ang fans matapos sumabak sa kanilang pinakaunang TikTok challenge

Tuloy na tuloy na talaga ang tambalang Kylie Padilla at Andrea Torres. Ngunit bago ang kanilang upcoming romantic film ay kumasa muna sa isang sikat na TikTok challenge ang dalawang Kapuso actress.

Credit: @andreatorres Instagram

Hindi maikakailang parami na nang parami ang mga artistang nahuhumaling sa TikTok. Kabilang nga sina Kylie at Andrea sa mga celebrity na hindi nagpahuli sa paggawa ng mga nakakaaliw na TikTok video.

Nito lamang July 22, ipinost ni Kylie sa kanyang official TikTok account ang kanyang pinakaunang TikTok video.

Credit: @andreatorres Instagram

Para sa kanyang first ever TikTok video, kumasa si Kylie sa “Breakfast Challenge.” Game na game na ginawa ni Kylie ang challenge suot ang isang all-black outfit.

Credit: @andreatorres Instagram

Bukod sa kanyang cool moves, napansin din ng maraming netizens ang bagong hairstyle ngayon ni Kylie na mas lalong nagpatingkad sa kanyang angking kagandahan.

Credit: @andreatorres Instagram

Ibinahagi ni Kylie ang TikTok videos nila ni Andrea sa kanyang Instagram account kalakip ng caption na, “we are no longer TIKTOK v!rgins” kung saan ay mabilis naman na nagkomento si Andrea. Lingid sa kaalaman ng marami, unang beses din gumawa ng Kapuso s3xy actress ng isang TikTok video.

Sabi ni Andrea, “Gwapo mo Babe [heart eyes emoji]”

Samantala, kapansin-pansin ang ginamit na hashtags ni Kylie sa kanyang post na tila promotion sa nilulutong movie project nila ni Andrea kung saan ay gaganap silang mag-love team.

“Follow us on TIKTOK for updates on BETCIN. #BETCIN, #REINENTERTAINMENT, #REINROLLINGSOON, #UMAMIS at #ANLIE,” sulat ni Kylie sa kanyang post.

Credit: @andreatorres Instagram

Girls Love (GL) ang genre ng upcoming project nina Kylie at Andrea na base sa kanilang Instagram updates ay sinisimulan na nilang gawin.

Credit: @andreatorres Instagram

Matatandaang kamakailan lamang ay inilabas ng Rein Entertainment ang teaser video ng niluluto nilang romantic film kung saan bibida bilang lesbian lovers sina Kylie at Andrea.

Nag-post din si Kylie sa kanyang Instagram ng isang letrato kung saan ay makikitang niyayakap niya si Andrea.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Sa caption, tinanong ni Kylie kung mayroon ba silang chemistry ni Andrea.

Aniya, “Bagay ba kami #umamis? #betcin”

Credit: @andreatorres Instagram

At dahil sa hindi maitagong chemistry nina Kylie at Andrea, kaya naman excited na ang maraming netizens na mapanood ang kanilang bagong pelikula. Komento ng netizens:

“loveteam of the year na agad”

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

“yaassssss di pa nga kinikilig na ko”

“bagay na bagay can’t wait to watch a new character of Reynang Amihan”

“Yes bagay na bagay aabangan ko ito @kylienicolepadilla @andreatorres”