Naging tradisyon na para sa mga celebrity couple na gawan ng sariling social media account ang kanilang mga anak. Madalas maraming tao ang interesado sa mga anak ng mga sikat na artista kaya’t sa pamamagitan ng mga sariling social media account nila ay mas nasusubaybayan ng netizens ang kanilang paglaki.
Katulad nalang ng mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz na nakasanayan nang gawan ang kanilang mga anak ng sarili nilang social media accounts.

Kahit kapapanganak pa lang kasi ng beauty queen turned actress sa ikatlong anak nila ni Marco na si Moses Marc ay mayroon na agad itong sariling Instagram account. Ang bilis!
Isinilang si Baby Moses ni Lara nitong Huwebes, September 17, at sa araw ding ito ibinahagi ng mag-asawa ang sariling Instagram account ng anak.
Kagaya ng mga naunang dalawang anak nina Lara at Marco na sina Noah at Tobias ay nagsisimula na rin dumami ang followers ni Baby Moses sa Instagram.

Samantala, kahit hindi nagkatotoo ang mga hula ng kanilang pamilya at mga kaibigan na babae ang pinagbubuntis niya, ay lubos pa rin ang pasasalamat ni Lara dahil isinilang niyang malusog si Baby Moses.

Sa Instagram post ni Lara ay sinabi nitong, “Thank You Jesus for another undeserved gift… my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God!”

Matatandaang nitong June nang magsagawa ng gender reveal ang pamilyang Alcaraz sa kanilang YouTube channel, ay naging emosyonal si Lara at umiyak nang matindi ang kanilang panganay na si Noah nang malamang lalaki ang ipinagbubuntis niya.
Ani Lara sa vlog, “Si Kuya Noah he felt and disappointed. Pero you know sabi nga, ‘It’s okay to feel sad and disappointed but we have to remember that God doesn’t make mistakes! God knows best and he gave us another baby boy.”

Sinabi pa noon ni Lara sa vlog na sana ay hindi sabihin ng iba na “sayang” si Baby Moses dahil hindi ito isang babae.
Aniya, “And we are happy that the baby is so healthy. Hindi sayang ang baby namin. Kahit hindi siya girl, kahit boy siya, we are very happy that this is a baby boy, and I’m so excited.”

“This baby is a gift, this baby is a blessing, and even now, I speak blessing over this baby.”
“I pray that the baby will never feel unwanted, or, parang, he will feel bad kasi a lot of people, you know, want him to be a girl…”