Sa pagsalubong natin sa bagong taon, talagang nais ng karamihan sa atin ang makatanggap ng opportunities at blessings sa buhay ngunit bago pa nga nagsimula ang taong 2022, may mga tao ng maagang nakatanggap ng biyaya. Isa na nga sa mga ito ay ang pamilyang Arellano na mukhang naka-jackpot sa buhay!
Credit: @iyavillania Instagram
Punong-puno ng blessings ang pamilyang Arellano ngayong bagong taon kaya naman labis ang pasasalamat ni Iya Villania at Drew Arellano dahil hindi umano nila inaasahang ganito kaaga nila mararamdaman ang kasiyahan dahil sa natanggap nilang mga biyaya.
Matapos isilang ang kanilang unica hija na si baby Alana noong taong 2020, muli na namang makakatanggap ng blessing ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang ikaapat na baby.
Credit: Life with the Arellanos YouTube
Unang ibinahagi ni Iya ang magandang balita sa “Mars Pa More” kasama ang kanyang kapwa hosts na sina Camille Prats at Kuya Kim Atienza. Matapos ang ginawang “Tarantanong” ng kanyang Mareng Camille upang kumpirmahin kung magiging Ate na ba ang ikatlong anak nila ni Drew na si baby Alana, masaya itong sinagot ni Iya ng “Yes!”
Masaya rin itong ibinahagi ni Iya sa mga katrabaho niya sa 24 Oras at ipinahayag ang kanyang damdamin tungkol magkakasunod na pagdating ng blessings sa kanilang pamilya.
Credit: Life with the Arellanos YouTube
Ayon sa “Mars Pa More” host, buong akala nila ni Drew na kuntento na sila sa tatlo nilang mga anak ngunit kumakailan lamang nang napagtanto nilang gusto pa nilang palakihin ang kanilang pamilya.
“Akala ko dahil nagka-babae na kami, akala ko okay na kami but you know, when we would watch the three of them playing, parang sabi namin, ‘Ang saya nila panoorin. Dagdagan pa natin ng kahit isa. Isa pa,'” saad ni Iya.
Credit: Life with the Arellanos YouTube
Halos hindi naman mapangalanan ni Iya ang nararamdaman dahil parang nakatadhana umano ang lahat ng nangyari sa kanilang buhay. Matatandaang kumakailan lamang nang nagkaroon ng “Groundbreaking Ceremony” ang pamilyang Arellano para sa ipatatayo nilang bagong bahay sa Rizal.
Tila’y nag-fit umano ang lahat lalo na’t inaasahan nila ngayon ang pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Credit: Life with the Arellanos YouTube
Hindi rin napigilan ni Iya na magbiro at sinabing, “Alam mo, buti na lang kasi nadagdagan na ‘yung kailangan kong pakainin na mga bibig dito sa bahay.”
Ngayon na patuloy nang lumalaki ang pamilya ni Iya at Drew at magiging Ate na si baby Alana, paniguradong mas kaabang-abang pa ang good vibes na hatid ng pamilyang Arellano.