Bagong ‘Valentina’ na si Janella Salvador, game na ipinakilala ang kanyang alagang ahas na si Versace

Umani ng maraming reaksyon mula sa netizens ang naging post kamakailan ng Kapamilya actress na si Janella Salvador kung saan ay ipinakilala niya ang alaga niyang ahas.

Credit: @superjanella Instagram

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janella ng ilang larawan kasama ang kanyang alagang ahas na si Versace. Hango ang pangalan ng 5 buwang gulang pa lamang na alagang ahas ni Janella sa isang Italian luxury brand.

“Hello, world. Meet Versace, my 5 month old baby girl,” pahayag ni Janella sa kanyang post.

Kitang-kita sa mga larawan ang walang takot na pakikipaglaro ni Janella sa kanyang alagang ahas.
Talaga namang ipinapakita ni Janella na handang-handa na siya para sa kanyang bagong pagbibidahang karakter na si “Valentina.”

Credit: @superjanella Instagram

Ang pagpapakilala nga ni Janella sa kanyang alagang ahas ay tila isang ‘pasilip’ lamang sa kanyang upcoming big role sa Kapamilya serye na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”

Hindi lingid sa kaalaaman ng marami na si Janella ang maswerteng aktres na gaganap bilang ang babaeng ahas na si “Valentina” sa TV series remake ng nasabing sikat na Pinoy comic series.

Matatandaan na ilang linggo lamang ang makalipas mula nang pormal na ipakilala si Janella ng ABS-CBN bilang ang bagong Valentina ay ibinahagi niyang “sanay” na siyang humawak ng ahas.

Credit: @superjanella Instagram

Sa panayam sa kanya ng press, iginiit din ni Janella na “kayang-kaya” niyang makipaglaro sa isang totoong ahas.

Samantala, feel na feel na ng maraming netizens ang pagiging ‘babaeng ahas’ ni Janella. Libu-libong fans nga ni Janella ang nagpahayag ng kanilang excitement para sa pagganap niya bilang ang matinding kalaban ni Darna na gagampanan naman ng aktres na si Jane de Leon. Komento ng netizens:

“excited to see you as valentinaaaa!! hi versace!!”

Credit: @superjanella Instagram

“I super love it that you take your work so seriously and are having fun whilst at it! You GO @superjanella #Valentina”

“The most beautiful Valentina of all Valentina”

“She’s living the Valentina Life”

Credit: @superjanella Instagram

“YASS VALENTINA HERE WE GOOOO”

Sa ngayon ay wala pang inilabas na opisyal na petsa ang ABS-CBN kung kailan mapapanood ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”