Bangs Garcia, ibinahagi kung gaano niya namimiss ang kanyang bunsong kapatid na si Javriel

Naniniwala ba kayo na isa sa pinakamatibay na relasyon na mayroon tayo ay ang ugnayan natin sa ating kapatid o mga kapatid?

Credit: @valeriebangsgarcia Instagram

Isa nga ang dating aktres na si Valerie “Bangs” Garcia sa mga makapagpapatunay na ang ugnayan sa pagitan ng mga magkakapatid ay maganda, matibay at talagang tumatagal.

Sa mga hindi nakakaalam, si Bangs ay may nakababatang kapatid na mayroong espesyal na pangangailangan. Dalawang taon lamang ang tanda ni Bangs sa kanyang bunsong kapatid na si Javriel na kasalukuyan ngayong nakatira sa kanyang hometown sa Davao City.

At kahit libu-libong milya ang layo niya mula kay Javriel, tinitiyak ni Bangs na madarama pa rin ng kanyang “original baby” kung gaano niya ito kamahal at namimiss.

Si Bangs ay naka-base na sa London, United Kingdom mula nang pakasalan niya ang kanyang mister na si British-Filipino businessman Lloydi Birchmore.

Credit: @valeriebangsgarcia Instagram

Hindi nga maiwasan ni Bangs na ma-miss nang sobra ang kanyang kapatid na talaga namang mahal na mahal niya.

Ginamit naman ni Bangs ang social media para maging daan upang maipahayag niya kung gaano niya namimiss si Javriel.

Nitong February 10, nag-post si Bangs ng mga litrato nila ni Javriel o tinatawag din niyang “Ayi”.

Hanggang “virtual hugs and kisses” na lamang muna ang maibibigay ni Bangs sa kanyang kapatid na miss na miss na umano niya.

“Sending my virtual hugs & kisses to the original baby of my life, my brother Ayi.❤️ Just because I’m missing you too much!” sulat ni Bangs sa caption ng kanyang post.

Credit: @valeriebangsgarcia Instagram

Dagdag niya, “Not too long now, we’ll be bonding again soon!😘 Glad you liked your new tablet.🤗 Love you, always!🥰””Sabi nila, anytime daw kasi, pwede raw siya mawala. Everytime I get to be with him, I see to it na sobrang happy siya.”

Sa isang artikulo na inilathala ng ABS-CBN, ikwenento ni Bangs kung gaano niya kamahal ang kanyang kapatid sa puntong hindi niya maisip na wala ito sa kanyang buhay.

Sa nasabing artikulo inilarawan din ni Bangs kung anong klaseng kapatid si Javriel sa kanya.

Kwento ni Bangs, “Yun ang kinakatakutan ko. Hindi ko ma-imagine ‘yung life without him, kasi sobrang mahal ko ‘yung kapatid ko. He’s very, very sweet, palagi siyang nag-a-‘I love you’ sa ‘kin. Sa ‘kin siya parati sumusunod, sobrang mahal na mahal niya ako.”

Credit: @valeriebangsgarcia Instagram

Noong nasa Manila pa nga si Bangs ay palagi umano niyang ibinibigay ang mga gusto ni Javriel sa tuwing bumibisita ito sa kanya mula sa Davao City.

Ibinahagi rin ni Bangs na isa si Javriel sa mga dahilan kung bakit siya pumasok sa pag-aartista.

Aniya, “I think that’s reason why I’m in showbiz, why I’m breathing right now…I think ‘yun ‘yung number one priority ko. Number one si Ayi.”