Nagdiwang ng kanilang ikaapat na wedding anniversary ang mag-asawang Valerie ‘Bangs’ Garcia at Lloydi Birtchmore sa isang sikat na steak restaurant sa London, U.K.

Sa kanyang pinakabagong vlog ay ibinahagi ni Bangs kung paano nila sini-celebrate ni Lloydi ang kanilang anniversary bilang mag-asawa.
Sa unang bahagi ng vlog, ikwenento ni Bangs na dalawang beses sa isang taon sila nagdiriwang ng kanilang wedding anniversary.

Ayon sa aktres, una nilang sini-celebrate ang kanilang civil wedding anniversary bago ang kanilang church at beach wedding anniversary.
Sa mga hindi nakakaalam, ang dating aktres at ang kanyang Filipino-British husband ay ikinasal ng tatlong beses.

Matatandaang ginulat noon ni Bangs ang lahat nang inanunsyo niyang bago pa ang kanilang napakagandang beach wedding at intimate church wedding na ginanap sa magkasunod lang na petsa sa isla ng Boracay, ay nagpalitan na umano sila ng vows ni Lloydi sa pamamagitan ng isang civil wedding sa London.

Kwento ni Bangs sa vlog, “So we do celebrate twice. The first one is civil wedding muna. The second one is for both the beach and church wedding since they were just in two consecutive days. We had our church wedding on January 23 and beach wedding on January 24 in Boracay.”

Dagdag ni Bangs, “Hindi po namin talaga pinlano na we should have three weddings. That never happened. Biglaan lang talaga.”
Ibinahagi rin ni Bangs sa vlog na hindi umano sila nagsi-celebrate ng kanilang wedding anniversary sa isang magarbong paraan.

Ani Bangs, “I just want to share with you how we usually celebrate our anniversary. It’s just simple nothing extravagant.”
Gusto rin umano ni Bangs na ibahagi sa kanyang mga subscriber ang isang bagay na palagi nilang ginagawa ng kanyang asawa tuwing wedding anniversary nila.
Ito ay ang kumain sa kanilang paboritong steak restaurant sa London na ‘Miller and Carter’.

“I just want to share with you my anniversary date with my husband. We really like the steak at that restaurant. That restaurant is very meaningful for us because we go there every year since the first time I got here in the UK he [Lloyd] introduced me to Miller and Carter right away,” ani Bangs sa vlog.

Dagdag ni Bangs, “It’s annual thing for us. Every anniversary we love going to Miller and Carter. We just love the steak there.”
Bilang wedding anniversary gift para sa asawa, ay binilhan ni Bangs si Lloydi ng sapatos na matagal na umanong gusto nito.

Kwento ni Bangs, “My gift for Lloyd since he’s been wanting to have this pair.”
Natapos ang vlog na sinabi ni Lloydi sa Filipino kung gaano siya kabusog.

Si Bangs at Lloydi ay sa London na namalagi simula nang maikasal sila. Sa ngayon, ay nabiyayaan ng dalawang anak ang mag-asawa na sina Amelia at Isabella.