Barbie Imperial, labis ang pasasalamat sa nobyong si Diego Loyzaga matapos siya nitong bigyan ng isang bonggang romantic Valentine’s Day surprise!

Hindi kailanman nabibigo ang binatang aktor na si Diego Loyzaga sa pagpapasaya at pagpapakilig sa kanyang kasintahan na si Barbie Imperial.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Matapos lamang kasi ang Araw ng mga Puso noong February 14, muling pinasaya at pinakilig ni Diego si Barbie.

Kahit na ang kanyang romantikong sorpresa para sa Araw ng mga Puso para kay Barbie ay naantala ng dalawang araw, tiniyak naman ni Diego na sobrang maganda at bongga ito.

Nang ibahagi nga ni Barbie sa kanyang Instagram ang mga litrato ng inihandang romantikong sorpresa para sa kanya ni Diego ay maraming netizens ang napa-sana all at napa-wow.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Talagang nagwagi ang batang aktor pagdating sa paghahanda ng mga sorpresa para sa kanyang napakagandang kasintahan.

Sobrang romantiko nga ng sorpresa ni Diego para kay Barbie. Sa mga litrato na ibinahagi ni Barbie ay makikita ang romantic setup sa loob ng kanyang silid. Punong-puno ang silid ni Barbie ng mga nakasabit na pulang bulaklak at fairy lights. Maging ang kanyang kama ay puno rin ng mga pulang bulaklak. Pinalibutan din ang silid ni Barbie ng mga candle.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Binigyan din ni Diego si Barbie ng bouquet ng mga bulaklak. At ang pinakamatamis sa lahat ay ang sulat-kamay na love letter na isinulat niya para kay Barbie na tinatawag din niyang ‘My Princess’. Kilig!

Ipinapakita talaga ng romantikong sorpresa ni Diego kung gaano kalalim ang pagmamahal niya para kay Barbie.

At nakuha nga ni Diego ang reaksyon na gusto niya mula kay Barbie dahil damang-dama nito ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng kanyang walang katapusang pagsisikap upang mapasaya ito.

Samantala, sa caption ng kanyang Instagram post, ipinahayag ni Barbie ang kanyang paghanga at pasasalamat sa kanyang nobyo na talagang nagsikap na pasayahin siya sa kabila ng busy schedule umano nito sa trabaho.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Mensahe ni Barbie kay Diego, “Diego 😭 thank you for your endless efforts. You were still able to do this kahit hindi tayo magkasama cuz you have work. Grabe ka you always find a way to make me happy. Thank you for always making me happy and feel loved. Any day feels like valentine’s day with you. I miss you already, thank you love @diegoloyzaga ♥️”

Si Diego at Barbie ay nagsimula bilang magkaibigan noong 2018 bago opisyal na inihayag ang kanilang relasyon sa publiko noong January 1.