Baron Geisler, buong sayang ipinagmalaki ang pagtatapos sa kursong Theology

Hindi talaga nahuhulaan ang lahat ng pangyayari sa buhay dahil ang noo’y hindi natin inaakalang mangyayari ay maaari palang magkatotoo. Minsan namang nalunod sa dagat ng problema at tinangay sa alon ng kasadlakan, muling nakabangon si Baron Geisler at ngayon ay pinagsisikapan na mas mapabuti pa ang sarili.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Hindi naman naging sikreto sa publiko ang mga problemang pinagdaanan ni Baron Geisler. Minsan na siyang nalulong sa mga bisyo at ito ang isa sa mga malalaking hamon na hinarap niya sa buhay. Ang noo’y masigla at positibong personalidad ng aktor ay nagbago dahil sa pagkawala niya sa landas ngunit matapos ang ilang taon niyang pagsasailalim sa ther@py at reh@b, nahanap niya ang kanyang sarili at sa bawat araw na lumilipas, pinagsisikapan niyang tuluyan na malagpasan ang madilim na parte ng kanyang buhay.

Matapos bumalik sa showbiz noong taong 2019, napagdesisyunan ni Baron na mag-aral sa kolehiyo dahil isa umano ito sa mga bagay na ipinangako niyang gawin kapag nakalabas na siya ng reh@b. Sa kalagitnaan ng kanyang ther@py, naging malapit siya sa Pangino0n kaya naman ang kursong Theol0gy sa All Nations College ang pinasukan niya.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Matapos ang ilang taon na pagpupursige niya sa kanyang pag-aaral, sa wakas ay nakamit na rin ni Baron ang diploma at degree sa Theol0gy. Dahil sa achievement niyang ito, ibinahagi niya ang magandang balita sa Instagram kung saan ay ipinasilip niya ang iilang larawang kuha sa ceremony ng kanyang graduation.

“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord! β˜πŸΌπŸ˜Šβ€οΈβ€πŸ”₯πŸ™πŸΌ,” sulat ng aktor sa kanyang caption.

Mapapansin sa mga larawang ibinahagi ng aktor ang malaki niyang ngiti habang umaakyat sa stage at nang natanggap ang kanyang diploma dahil sa likod ng tagumpay niyang ito ay ang kuwentong minsan na siyang nawalan ng purpose at kung paano siya nakaahon sa mabagsik na alon ng problema.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Marami naman sa kanyang kapwa celebrities at fans ang nagpabatid at nagpahayag ng kani-kanilang pagbati sa achievement ng aktor.

“πŸ‘πŸ‘πŸ‘,” komento ni Janno Gibbs.

“Congratulations, Baron! 😁 πŸ™Œ,” pahayag ni Princess Punzalan.

“Congrats Baron!!” komento ni Donnalyn Bartolome.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

“Congratulations @baron.geisler ❀️,” sabi naman ni Jennifer Lee.

Masaya talaga sa pakiramdam kapag nakakapagtapos tayo ng pag-aaral. Halos hindi talaga mapangalanan ang emosyon natin kapag naglalakad na tayo sa stage at tinatanggap ang ating diploma na ilang taon din nating pinaghirapan pero para kay Baron Geisler na minsan nang nakaranas ng maraming problema sa buhay na akala niya’y hindi na niya malalagpasan pa ay doble talaga ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon.