Baron Geisler, nagsisisi dahil hindi niya nagawang magbago bago mamaalam ang kanyang ina

Kung may salita man daw na makakapaglarawan sa aktor na si Baron Geisler ngayon, ito ay “changed man”.

Malaki nga ang ipinagbago ni Baron mula noong parati pa siyang laman ng mga balita at madalas batikusin dahil sa kaliwa’t kanang gulo na kanyang kinasangkutan.

Ngunit kung may isang tao na gusto ni Baron na masaksihan ang kanyang pagbabago, ito ang kanyang namayapang ina.

Credit: @baron.geisler Instagram

Isa nga sa pagsisisi ni Baron sa kanyang buhay ay hindi niya nagawang magbago noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Ito ang ibinunyag ni Baron sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nito.

Habang ikinukwento kung paano niya nasaksihan ang pagkamat@y ng kanyang ina, ay makikita sa mga mata ni Baron ang lungkot at labis na pagsisisi.

Kwento ni Baron, “I was preparing to go to a 5-day retreat. And I was sober for a while. So I went to her room…nakaputi ako nito, long hair, may bigote..’Mom, Baron here. Good boy. I’m gonna go to this retreat, I’ll see you when I get back.”

Credit: @baron.geisler Instagram

Nagawa pa umano ni Baron na magbiro noong araw na iyon ngunit sa hindi malamang dahilan ay alam niyang kukunin na ang kanyang ina.

Ani Baron, “Parang sa pelikula, she tried to stand up and say something and sabi ko, ‘what is it?’ Feeling ko, on a happier note, baka sa long hair ko at bigote ko, akala niya ako si Jesus.”

Dagdag niya, “I sort of knew so kumuha ako ng penlight chineck ko yung mata ni mommy. And slowly, slowly nagdi-dilate. That’s when I knew that we lost her…I was there.”

Credit: @baron.geisler Instagram

At nang ibahagi ni Baron ang kanyang pangarap, hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. Ayon kay Baron, pangarap niya na makita siya ng kanyang ina na ‘malinis’.

Ani Baron, “My dream kasi nung time na yun was for my mom to see me clean…But a lot people are saying naman na…ang dami naman na nagsasabi ngayon na she’s proud of you now.”

Credit: @baron.geisler Instagram

Inamin ni Baron na may mga oras pa rin kung saan hinihiling niyang makasama ang kanyang ina lalo na ngayon na may anak na siya na si baby Talitha Cumi.

“May times nga na para akong baliw e. I still say a little shoutout kay mom na ‘Mom, I wish you were here.’ Kasi may baby ako na di niya naabutan, apo niya. Lahat ng mga anak ng kapatid ko naabutan niya. Ako lang ‘yung hindi,” pagbabahagi ni Baron.

Credit: @baron.geisler Instagram

Samantala, ibinahagi rin ni Baron na talagang binago siya ng pagiging ama at ngayon wala siyang ibang gustong gawin kundi magtrabaho para sa kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan, masayang naninirahan si Baron sa Cebu City kung saan niya natagpuan ang kanyang asawang si Jamie Evagelista.