Masayang ibinahagi ni dating “That’s Entertainment” actor Romnick Sarmenta na buntis sa kanilang unang anak ang kanyang nobya na si actress Barbara Ruaro.

Sa kanyang Instagram post nitong October 11, ibinahagi ni Romnick ang litrato ng isang pregnancy test stick na nagpapakita ng dalawang pulang linya.
Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Romnick nang malaman na magiging ama na naman siya. Caption ni Romnick sa IG post, “I B A Infinitely Blessed with Your Affirmation Iba Ka Panginoon, maraming salamat Po 🥰 #alwaystogether🤍”

Samantala, sa kanyang Instagram account naman ay nag-post din si Barbara ng litrato ng dalawang pregnancy test na mayroong dalawang pulang linya. Sa caption, ay inanunsyo ni Barbara na limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis.
“Thank You, dear God, for the gift of life! The cross that appeared on my test and this miracle as a whole is Your loudest yet most comforting affirmation.”
Dagdag ni Barbara, “I praise and thank You for my Nicko, as well as all our friends and families who have expressed and continue to show their love and undying support. See you on February, Little Bean.”

Nitong June 21 lamang ay kinumpirma ni Romnick ang relasyon nila ni Barbara. Nag-post ang aktor ng isang litrato kung saan makikita silang dalawa ni Barbara na masayang-masaya.

Caption ni Romnick sa IG post, “B L E S S E D. Overjoyed and happy. That’s what you make me. Thank you for this blessing. The colours that you bring. I thank God for you and all that you are. You’re special to me. I love you Bie.”

Sa isa pang hiwalay na IG post, ikinwenento ni Romnick kung paano sila nagkakilala ni Barbara.
Aniya, “We met during the early months of 2019 at work and towards the last months of 2019 became friends, and started praying for each other’s personal well being. And we got together this year…”

Ayon pa kay Romnick, alam umano ng kanyang mga anak ang relasyon nila ni Barbara. Ani Romnick, “My children know everything. All the stories and are in constant communication with me…”
Samantala, si Romnick ay legal pa ring kasal kay dating child star-actress at film producer- businesswoman Harlene Bautista. October 2018 nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay. Sa kanilang 19 na taong pagsasama bilang mag-asawa ay biniyayaan sina Romnick at Harlene ng limang anak.

Sa mga hindi naman nakakakilala kay Barbara, siya ay isang indie film actress na lumabas na rin sa ilang pelikula. Kabilang sa mga proyekto ni Barbara ay “The Tapes” (2020), “Past, Present, Perfect” (2019), “Abandoned” (2019) at “Kung Paano Siya Nawala” (2018).