Batikang aktres na si Desiree Del Valle, isinilang na ang malusog at napakagwapong panganay nila ni Boom Labrusca!

Marami ang kinikilig sa celebrity couple na sina Desiree Del Valle at Boom Labrusca dahil sa kanilang mala-fairytale na love story.

Credit: @deslois Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, nagsimula muna bilang mag-on screen partner ang dalawa nang gumanap sila bilang mag-asawa sa fantaseryeng “Aryana” noong 2012. Hanggang sa tila nag-manifest nga sa tunay na buhay ang kanilang pagiging mag-asawa at naging real-life couple sila.

Credit: @deslois Instagram

Taong 2018 nang naging tunay na mag-asawa sina Desiree at Boom matapos silang ikasal sa isang intimate wedding ceremony sa California sa Amerika pagkatapos ng limang taon nilang pagiging magkasintahan.

Credit: @deslois Instagram

At matapos ang tatlong taon mula nang sila ay maikasal, isang napakagandang biyaya naman ang dumating sa kanilang mag-asawa. Ito ay ang kanilang unico hijo na pinangalanan nilang baby Alexander Sebastian.

Nitong October 4 lamang ganap na 2:14 pm ay isinilang ng batikang aktres ang panganay nila ni Boom.

Credit: @deslois Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Desiree ang ilang larawan nilang mag-asawa na kinunan mula sa delivery room ng 0spital kasama ang kanilang bagong “bundle of joy” na kahit sanggol pa lamang ay litaw na litaw na ang kagwapuhan.

Saad naman ni Desiree sa caption, “As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Born on Oct 4, 2021 at 2:14pm. Thank you Lord for our son.”

Credit: @deslois Instagram

Nag-post din si Boom ng mga larawan ng kanyang asawa at kanilang sanggol sa kanyang Instagram account. Sa caption ay hindi maiwasang ipahayag ni Boom kung gaano siya ka-proud kay Desiree dahil sa pagiging malakas nito.

Credit: @deslois Instagram

“One of the if not the longest 1hr of my life…Back hom. To my wife , for carrying our baby , for being strong and for being an amazing wife…Good job mommy. Maaring anduon tyo sa Kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. Team work makes the dream work. I Love you so much,” pahayag ni Boom.

Credit: @deslois Instagram

Dagdag niya, “Salamat po Ama sa gabay lahat ng ito ay itinataas kona po sa inyo Ama. To all the doctor’s and nurses at st. Lukes erod Maraming Maraming Salamat po sa inyong pag alaga sa aking mag ina .Walk by faith.”

Credit: @deslois Instagram

Matatandaang inanunsyo ng celebrity couple na sila ay magkakaanak na noong Mayo. Isinilang ni Desiree ang kanyang unang anak sa edad na 39. Habang si Boom ay maaalalang may isa pang anak sa kanyang dating partner na si Angel Jones na walang iba kundi si TV actor Tony Labrusca.