Bea Alonzo at Dominic Roque, ibinunyag ang ilang nakakakilig na detalye ng kanilang love story

Ngayong buwan ng pag-ibig, muling naghatid ng kilig sa marami nilang tagahanga ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque matapos nilang ibahagi ang ilan sa mga hindi pa nila naikwi-kwentong detalye tungkol sa kanilang love story.

Credit: @beaalonzo Instagram

Sa isang sit-down interview na mapapanood sa YouTube channel ni Bea, ibinahagi ng dalawang artista na una silang nagkita noong 2016 sa pamamagitan ng kaibigan nilang si Vice Ganda.

“2016 kasama ko si Vice sa CS. Kasi sinabi ko sa kanya na pakilala niya ako sa iyo,” bahagi ni Dominic.

Pag-amin niya, may paghanga na siya noon pa kay Bea ngunit sa mga panahong iyon ay wala umano siyang “expectations”.

Credit: @beaalonzo Instagram

Kwento naman ni Bea, akala niya ay mas bata sa kanya si Dominic ng 7 o 8 taon. Kaya tingin niya umano rito’y “bagets”.

“Ang tingin ko sa kanya noon nung una kaming nagkakilala sa CS, sinabi pa ni Vice nu’n, ‘Uy! Crush na crush ka nitong alaga ko.’ So, mas iniisip ko nun na talagang parang he is way younger than his actual age,” ani Bea.

Nagkatuksuhan naman ang magkasintahan nang mapag-usapan ang kanilang “first date”. Ayon kay Bea, hindi planado ang unang date nila ni Dominic.

Credit: @beaalonzo Instagram

“Hindi naman talaga siya meant as a date, parang casual date. Kasi galing ako sa wedding ng friend ko sa Tagaytay, I was the maid of honor…tapos feeling ko ang panget ng damit ko tsaka parang ngarag day na ‘ko,” aniya.

Mukhang nakatadhana naman talagang magkita ang magkasintahan ng araw na iyon dahil dumalo rin sa isang kasal si Dominic.

May rebelasyon din si Dominic sa ginawang ‘pang-aakit’ umano ni Bea sa kanya noon. Giit niya, “Sinesendan niya ko ng mga videos niya…Inaakit ako, so inakit niya ulit ako nung gabi. Sinuot niya yung parang nighties.”

Credit: @beaalonzo Instagram

Todo-tanggi naman si Bea sa sinabi ng aktor. Paliwanag niya, “Ang kapal ng mukha mo hindi, satin or silk na parang sleep dress kasi ‘yun ‘yung ang available dun sa car ko.”

Sa vlog, inamin din ni Bea na siya ang nag-initiate ng kanilang “first kiss”, habang si Dominic naman daw ang unang nagsabi ng “I love you” sa kanilang dalawa.

Nang tanungin kung ano ang pinakamahalagang bagay na nagpapatibay sa kanilang pag-iibigan, sagot ni Bea, “We are united in wanting to make it work all the time, even though may mga obstacles, even though we are facing hard times, or sometimes, we don’t understand each other at all.”

Sa huling bahagi ng vlog, inilarawan naman nina Bea at Dominic ang kanilang love story. Kinikilig na sabi ni Bea, “I hope it’s for keeps.”

Patuloy naman ni Dominic, “I hope it’s forever.”

Noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ng celebrity couple ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.