Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasamang dumalo sa baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo

Spotted sa unang pagkakataon na magkasama sa isang private event ang matagal nang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Credit: @fannyzha Instagram

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang ilang litrato at video nina Bea at Dominic na magkasama sa baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo sa tahanan nito sa California sa Amerika.

Credit: @bethtamayo21 Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, tiyahin ni Dominic si Beth, kaya’t hindi nakapagtataka na naroroon ito sa baby shower ng huli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bea🤍Dom (@beadom.fanpage)

Ngunit ang pagdalo ni Dominic sa baby shower ng kanyang tiyahin ay naging usap-usapan sa social media matapos ma-spottan ng netizens ang isang litrato na kasama nito si Bea.

Credit: @nikbey_couple Instagram

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na na-spottan sina Bea at Dominic na magkasama sa isang litrato habang nasa isang bakasyon mula nang pumut0k ang balitang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Ang nasabing litrato na makikitang magkasama sina Bea at Dominic ay ipinost ng isa sa mga bisita ni Beth na si Fanny Zha sa kanyang Instagram.

Credit: @nikbey_couple Instagram

Maliban sa litrato, kumakalat din ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita naman si Bea na masayang pinapanood si Dominic habang naglalaro ito ng isang balloon game sa baby shower ni Beth.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by nikki (@nikbey_couple)

Maikli lamang ang video ngunit kuhang-kuha nito ang kasiyahan sa mukha ni Bea kasama si Dominic at iba pang bisita sa nasabing event.

Noong July 6 matatandaang magkasabay na lumipad papuntang Amerika sina Bea at Dominic base sa mga report kung saan ay namataan sila ng kanilang fans sa airport.

Samantala, kanya-kanyang post naman sina Bea at Dominic ng kanilang mga litrato habang namamasyal sa Amerika.

At kahit wala pa silang ipino-post na litrato na magkasama, iilang post naman nila ang makakapagpatunay na magkasama nga silang nagbabakasyon sa Amerika.

Credit: @beaalonzo Instagram

Tulad na lamang ng ibinahaging video ni Bea na kinunan gamit ang isang drone. Kung pupuntahan ang Instagram account ni Dominic, makikita na nag-post ito ng isang larawan at may hawak na isang remote control ng isang drone. Makikita rin sa magkahiwalay na post nina Bea at Dominic ang parehong naka-pin na lokasyon na Highway One sa Monterey, California.

Bukod dito, napansin din ng netizens ang litratong ibinahagi ni Bea kung saan ay makikita ang kamay ng isang lalaking may hawak na isang bowl ng smoothie. Hindi maikakailang kamay ni Dominic ang nasa litrato dahil sa suot nitong relo.

Samantala, mas lalo namang kinilig ang maraming “BeaDom” fans nang magkomento si Dominic ng “i*y” sa isang litrato ni Bea na tila katumbas ng katagang “I love you.”

Credit: @beaalonzo Instagram

Gayunpaman, sa kabila ng litrato at video nina Bea at Dominic sa baby shower ni Beth at ang kanilang interaksyon sa social media, wala pa rin silang inilalabas na pahayag na magpapatotoo na mayroon silang relasyon.