Bea Alonzo at Dominic Roque, pinakilig ang fans nang ginawa ang “Not My Hands Challenge”!

Love is in the air lalo na kapag makikita mo ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Simula nang opisyal na inanunsyo nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon sa publiko ay mas naging open na silang iparamdam sa isa’t-isa ang kanilang pagmamahalan nang walang inaalala.

Sa mga larawang ibinahagi nina Bea at Dominic sa kani-kanilang Instagram accounts ay napapakilig na nila ang netizens kaya nang nagbahagi ng vlog kung saan ay makikitang magkasama habang sobrang sweet sa isa’t-isa ay magkahalong kilig at tuwa ang naramdaman ng kanilang fans.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Kamakailan nang nagbahagi ng isang vlog si Bea sa kanyang YouTube channel na pinamagatan niyang “Not My Hands Challenge” kung saan ay kasama niya ang kanyang boyfriend sa kusina ng kanyang bahay.

“It is going to be another cooking video. It is going to be a different kind of cooking video because I’m gonna be dealing another set of hands,” sabi ni Bea sa unang bahagi ng vlog.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang fans ang pagkahilig ni Bea sa pagluluto dahil proud niyang ibinabahagi ang kanyang “cooking skills” sa mga nagdaang vlogs.

Ayon pa sa aktres, special umano ang vlog na’to dahil kasama niya sa challenge ang boyfriend na si Dominic.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa “Not My Hands Challenge,” hindi sariling kamay nila ang kanilang gagamitin sa paghahanda sa ingredients at sa pagluluto kung hindi ang kamay ng kanilang kapareha. Sa kanilang “cooking” vlog ay makikita kung paano nila sinubukang magluto ng French toast.

Aminado namang mas nahirapan si Dominic kesa kay Bea dahil ayon sa aktor, “Lagi lang akong assistant sa kitchen pero hindi talaga ako nagluluto.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Unang sumabak sa challenge si Bea at nagsilbing kamay naman niya si Dominic. Habang nasa likod ni Bea ang boyfriend at nagsisilbing mga kamay ng aktres, sunod-sunod ang reklamo ni Dominic dahil sa pagiging malikot ni Bea.

“Ang likot mo. Nakakangalay,” reklamo ni Dominic na tinawanan lamang ni Bea.

Mahirap man ang challenge ay nag-enjoy pa rin si Bea dahil kasama niya ang kanyang boyfriend na siyang sobrang nahirapan.

Credit: Bea Alonzo YouTube

“This is so fun talaga!” ani Bea.

Nang si Dominic na naman ang magluluto ng french toast, tila alam naman niya ang ginagawa. Napuno naman ng tawanan ang dalawa dahil sa malilikot nilang kilos habang ginagawa ang challenge pero pareho namang enjoy na ipinagpatuloy nina Bea at Dominic ang nasimulan.

Tunay nga na nakakatawa ang challenge na ginawa ng magkasintahan pero hindi naman maitatangging maraming netizens ang labis na nakaramdam ng kilig dahil sa natural na pagiging sweet ng dalawa.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Marami naman ang natuwa para kay Bea dahil sa wakas, maligayang-maligaya na siya kasama ang taong nagpapasaya sa kanya ng ngayon ng tunay.