Bea Alonzo, binigyan ng Keanu Reeves hairstyle si Enchong Dee

Maraming aral ang itinuro sa atin ng p@ndemya. Isa na rito ang kahalagahan ng paggupit sa sarili nating buhok. Nitong panahon ng qu@rantine kasi ay sarado ang karamihan ng mga salon, barbershop at mga parlor. Kaya naman kanya-kanyang diskarte ang mga Pinoy para gupitin hindi lamang ang kanilang sariling buhok pati na rin ang buhok ng kanilang kapamilya.

Credit: Bea Alonzo YouTube        

Ito nga ang napansin ni Kapamilya actress Bea Alonzo na nagbigay sa kanya ng inspirasyon para matutunan at subukan ang paggugupit ng buhok. Sakto naman daw na pumayag ang kanyang kaibigan na si Enchong Dee nang tanungin niya ito kung pwede bang siya nalang ang gumupit sa mahabang buhok nito.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Mapapanood nga sa latest vlog ni Bea ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay maggugupit ng buhok ng tao.

Bago gupitin ang buhok ni Enchong ay shinampoo muna ito ni Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Dahil baguhan pa lamang si Bea sa paggugupit ng buhok, humingi muna siya ng mga haircutting tip at nagpatulong sa kanyang hairstylist na si Brent Sales. Sa pamamagitan lamang ng isang video call nakausap ni Bea ang kanyang hairstylist.

“Hi Brent! Salamat pinagbigyan mo kami…Sa totoo lang, kailangan ko ng assistance mo pero I’m a fast learner, alam kong kaya ko gawin to,” saad pa ni Bea kay Brent.

Ikwenento ni Bea kay Brent ang gustong hairstyle ni Enchong. Ani Bea, “Sa hair niya ang gusto niya kasi ‘yung parang kay Keanu Reeves.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Pabiro namang nilinaw ni Enchong sa hairstylist ni Bea na hindi umano hairstyle ni dating Pinoy Big Brother housemate Keanna Reeves ang gusto niyang ma-achieve kundi ang hairstyle ni Hollywood actor Keanu Reeves.

Saad pa ni Enchong, “Keanu Reeves ah, hindi Keanna Reeves.”

Sa una ay halatang nangangapa pa si Bea sa paggupit ng buhok ni Enchong.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Gayunpaman, kampante si Bea na magiging maganda ang resulta ng paggupit niya sa buhok ni Enchong.

“Pero [sa] tingin ko maganda ‘to…” sabi pa ni Bea.

Pagsasang-ayon naman ni Enchong, “Naniniwala din ako.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Hindi rin nakalimutan ni Bea na magpasalamat kay Enchong.

Aniya, “So exciting! Thank you for letting me do this! Highlight ‘to ng buwan ko!”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Nagbunga naman ng magandang resulta ang pagtitiwala ni Enchong kay Bea dahil na-achieve ng aktres ang Keanu Reeves hairstyle na gusto ni Enchong.

“Oh my God! Ang guwapo mo!,” hindi makapaniwalang saad ni Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Mababakas naman sa reaksyon ni Enchong na sobra niyang nagustuhan ang kanyang bagong hairstyle.

“Galing! I didn’t realize that it will end up like this. Oh my gosh. So cool!,” saad ni Enchong.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Wala namang pagsidlan ang tuwa at saya ni Bea dahil naging matagumpay ang kanyang paggugupit.
Sa huli, ay napasayaw na lamang sa tuwa at saya si Bea. Aniya, “Oh my God! Yes, yes, yes! I did it!”