Marami nang napuntahang magagandang lugar si Bea Alonzo ngunit ayon sa kanya, isa sa kanyang favorite ay ang Spain. Sino ba naman kasi ang hindi ma-iinlove sa architecture at ambience ng kabuuan ng Madrid?
Credit: Bea Alonzo YouTube
Kahit ilang ulit naman siyang pabalik-balik, aminado ang aktres na hindi siya kailanman nagsawa sa lugar.
Credit: Bea Alonzo YouTube
Bilang celebration sa ika-100 na vlog episode ni Bea, ibinunyag niya na bumili siya ng apartment sa Madrid kumakailan lamang. Bagama’t isa man itong malaking desisyon para sa kanya, inamin naman ng aktres na hindi niya pinagsisihan ang ginawa dahil ngayon, may sarili na siyang property sa isa sa mga paborito niyang lugar.
Of course, karamihan sa atin ay nag-akala na work ang pinuntahan ni Bea sa Madrid ngunit nilinaw niya na ang paglipad niya ay ang paghahanap pala ng apartment.
Credit: Bea Alonzo YouTube
“The reason why I went to Madrid is because I bought a house in Madrid,” excited na pahayag ni Bea.
Ayon sa aktres, hindi umano naging madali para sa kanya ang desisyon na bumili ng property dahil nangibabaw umano sa kanya ang takot, kaba, at ang kung kaya ba ito ng kanyang budget pero sa huli, nakumbinse naman niya ang sarili lalo na ngayong nagka-p@ndemic.
Credit: Bea Alonzo YouTube
“Because of the p@ndemic, naisip ko you only live once so I have to go for it since last year, I have been looking for an apartment. Nag-umpisa lang ‘yan sa pagtingin-tingin sa internet. ‘Kaya ko ba? ‘Kaya ba ng budget ko?’ ‘Nakakatakot ba?’ ‘Ano ba ‘yung rules?’ ‘Mahirap ba?'”
Credit: Bea Alonzo YouTube
Habang nasa Madrid, abala sa “apartment hunting” si Bea kung saan ay ipinasilip naman niya sa kanyang vlog ang lahat ng binisita niyang properties at ang napili niyang apartment na located sa Chamberi.
“I really like the interior. I like the material that they used sa entire apartment. Alam ko na hindi substandard yung materials na ginamit. I like the design of it all. I actually found the charm in it na pagpasok mo pa lang, pwede ka na mag entertain,” pagbabahagi ng aktres.