Bea Alonzo, ibinahagi ang kwento kung paano niya naging “life saver” sa Dubai si John Lloyd Cruz

Isang taon mahigit na rin nang magsimula ang travel ban kaya naman marami ang nakakamiss sa pagtatravel kabilang na dito ang aktres na si Bea Alonzo at ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram.

Credit: @beaalonzo Instagram

“I was browsing through my old photos and couldn’t help but miss traveling and seeing the world! So, I thought I’d create a vlog about my top 10 destinations and share videos, photos and stories of my past travels,“ caption ni Bea sa nasabing IG post kung saan inaanyayahan niya ang mga netizen na panoorin ang latest vlog sa kanyang YouTube channel.

Credit: @beaalonzo Instagram

Sa nasabing vlog ibinahagi ni Bea ang kanyang top 10 travel destinations. Kaya naman nang banggitin niya ang kanyang second favorite travel destination, ang Dubai sa United Arab Emirates, hindi naiwasan ng aktres na alalahanin ang hindi malilimutang pangyayari sa unang beses niyang makarating dito.

“The first time we ever went to Dubai, parang we had this show with The Champions pa at that time. I was really jet-lagged, I was really tired. So sabi ko kay mama, hindi na ako sasama dun sa Gold Souk. She went with the group,” ani ni Bea.

Credit: @beaalonzo Instagram

“Ako, natulog lang ako sa hotel. At this point, wala pa akong credit card nito. When my mom arrived at the hotel, ang dami na niyang dalang alahas. Sabi niya, ‘Anak, isukat mo ito,’ ganyan-ganyan. And then meron din siya for my brother, for my lola… So nagtanong ako, ‘Asan na yung talent fee, Ma?’ Nagastos niya na lahat sa Gold Souk,” dagdag pa nito.

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

“So sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals, ganyan. Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila, so that’s what happened,” patuloy na kwento ng aktres.

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Sinabi din ni Bea na ang pangyayaring ito ay nagbigay sa kanila ng mahalagang aral.

Credit: @beaalonzo Instagram

“After that, nag-apply na kami ng credit card and lesson learned ni mama, dapat sa first day, hindi mo muna ginagastos lahat ng pera mo,” wika ni Bea.