Ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo kamakailan lamang sa isa niyang vlog ang kanyang fitness journey.
Credit: @beaalonzo Instagram
Sa nasabing vlog ay ikwenento ni Bea na noong nakaraang taon ay nadagdagan ng 20 pounds ang kanyang timbang kasunod ng pagpapatupad ng qu@rantine sa bansa.
Inamin ni Bea na noong una ay masarap sa pakiramdam na nakakain siya ng maraming ‘junk food’ ngunit kalaunan ay naramdaman umano niyang hindi na siya ang pinakamagandang bersyon ng kanyang sarili dahil sa kanyang lifestyle.
Credit: @beaalonzo Instagram
Kaya naman sa pagsisimula ng 2021, isa sa mga pangako ni Bea sa kanyang sarili ay ang magkaroon ng isang healthy lifestyle at maalis ang kanyang ‘qu@rantine weight.’
Ani Bea, “The past year, I have gained 20 lbs. due to quarantine. I wasn’t keeping track of how I ate and barely worked out. This year, I promised myself that I would lose all the extra pounds to look and feel my best.”
Credit: @beaalonzo Instagram
Ayon kay Bea, simula nang magsimula siya sa kanyang fitness journey noong Enero ay nakapagbawas na siya ng 15 pounds.
Binigyang-diin naman ni Bea na malaking tulong at mahalaga ang papel na ginagampanan ng kanyang fitness coach at nutritionist para makapagbawas siya ng timbang sa tamang paraan.
Credit: @beaalonzo Instagram
“From January I have already lost 15 pounds. Hindi ko alam kung halata ninyo, but halata ko dahil sa mga damit ko…And I am proud that I have lost 15 pounds the healthy way. Of course, because of the help of the experts that has helped me,” ani Bea.
Samantala, may bwelta naman si Bea sa kanyang mga basher. Sinabi ni Bea na maaaring hindi siya ang ehemplo ng fitness ngunit alam niya na ginagawa niya ang kanyang makakaya para mapabuti ang kanyang sarili.
Ani Bea, “Now para sa mga bashers ko, I know I’m not the epitome of fitness but I’m trying my best to look better, to feel better.”
Credit: @beaalonzo Instagram
Aminado naman si Bea na malayo pa siya sa kanyang weight goal ngunit araw-araw ay nagsisikap umano siyang maabot ito.
Aniya, “Not quite there yet, but I’m working on it every day and trying to stay focused…”
Dagdag pa ni Bea, “I’m trying to do it properly (eat healthy). I’m trying to get 8-hours of sleep everyday. I try to drink a lot of water better than the usual amount of water that I would drink. And also, I would go to the Aivee clinic for aesthetic purposes. And I try to workout almost everyday.”
Credit: @beaalonzo Instagram
Noong nakaraang buwan ay ipinasilip ni Bea ang kanyang home gym kung saan niya ginagawa ang kanyang mga workout routine.