Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang artista van na may sariling toilet at shower area sa loob!

Talagang repleksyon ni Bea Alonzo ang customized niyang artista van— simple, malinis, at classy. Kilala si Bea Alonzo bilang isa sa mga sikat at talagang tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz. Dahil sa kanyang kahusayan pagdating sa pag-arte, nagawa ni Bea na manatili sa tuktok ng kanyang career.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Mapa-on at off cam man, patuloy pa rin na sinusubaybayan ng netizens si Bea kaya naman laging updated ang kanyang fans sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay. Hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagiging organized ng aktres sa mga lugar at mga bagay na pagmamay-ari.

Linggo, October 9 nang nagbahagi ng vlog si Bea sa Youtube kung saan ay ipinasilip niya ang kanyang customized artista van.

Credit: Bea Alonzo YouTube

“By the way, never ko na-share sa inyo before what’s inside my van. I’ve been in the business for 20 years, but I’ve never had an artista car before,” pahayag ni Bea sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Ayon sa aktres, hindi umano niya kinailangan ng artista van noon pero nang dumating ang p@ndemya, napagdesisyunan ni Bea na magkaroon nga upang maprotektahan na rin ang sarili sa kumakalat na viru$.

Credit: Bea Alonzo YouTube

“Now that there is already this viru$ going around, parang feeling ko, you really need that special place that could be your refuge away from the viru$ and away from everybody kasi ngayon, kailangan talaga natin ng social distancing,” sabi ni Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Bago makapasok sa van, makikita ang hinanda niyang box na may loob ng “sanitary items” katulad na lamang ng masks, alcohol, sanitizer, at extra na tsinelas.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Nang ipinasilip ang loob ng van, talagang mapapansin ang kalinisan at decent niyang mga gamit. Mula sa kanyang komportableng upuan kung saan ay maaari siyang makapag-relax sa “massage mode” nito habang nagcha-charge ang kanyang cellphone sa gilid hanggang sa kanyang compartments na punong-puno ng kakailanganin niyang mga gamit kapag nasa taping, lahat ay talagang napakaganda at classy.

Credit: Bea Alonzo YouTube

At dahil gustong-gusto ni Bea mag-travel, para na rin siyang nakasakay ng eroplano kapag nasa loob siya ng van.

“So, on to my restrooom! This is what I’m very very excited to show you,” excited na saad ni Bea nang ipinasilip ang restroom sa loob ng kanyang van.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Kumpleto ang restroom ni Bea, may lavatory, toilet, at shower pa! Hindi rin napigilan ng netizens ang magulat nang malaman na may tubig na dumadaan sa faucet na nagmistulang imposible dahil nasa loob ito ng van.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Talagang ipina-customize ng aktres ang kanyang van ayon sa kanyang hilig at dahil dito, halos hindi maka-get over ang netizens sa luxurious na artista van ni Bea.