Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang hanep sa gandang home gym na puno ng iba’t ibang gym equipments!

Ngayong humaharap tayo sa isang health cr!sis, mas napagtanto natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang healthy lifestyle para maiwasan ang anumang s@kit.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ngunit dahil sa p@ndemya, ipinagbabawal muna ang pagpunta sa mga gym kaya naman isa sa mga naging solusyon ng aktres na si Bea Alonzo ay ang magpagawa ng gym sa loob ng kanyang bahay.

Pagkatapos ngang ipakita ni Bea ang kanyang napakagandang tahanan sa netizens, ipinasilip naman niya ngayon ang kanyang newly renovated gym. Kwento ni Bea, dating family room nila ang kwarto bago niya ito ginawang home gym.

“So, I’ve decided to renovate my family room and turn it into something more functional, like a HOME GYM!” saad ni Bea sa description ng kanyang vlog.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Matatagpuan sa ikatlong palapag ng kanyang bahay ang gym ni Bea. Bago pumasok sa loob ng gym, ipinakita muna ni Bea ang ipinalagay niyang neon lights signage na aniya, isa sa kanyang mga binabalik-balikang quote.

Ani Bea, “Ito talaga ‘yung quote na lagi kong binabalik-balikan na kahit hindi mo pa nakikita ‘yung output you should always take it one day at a time because eventually you will get there. So it also applies to working-out.”

Tulad ng isang karaniwang gym, puno ng iba’t ibang gym equipments ang loob nito. Sa gitna ng gym ay makikita ang isang multifunctional squat machine kung saan umano niya ginagawa ang iba’t ibang klaseng work-outs.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Maliban sa squat machine, mayroon ding excercise balls, rowing machine, bosu ball, weights, kettlebells, treadmill, heavy bag, at exercise bike sa gym ni Bea.

Para naman maging maaliwalas ang buong kwarto ay nagdesisyon si Bea na blinds ang ilagay dito imbes na mga kurtina.

Aminado si Bea na isa sa mga kinakatakutan niya sa pag-eehersisyo sa bahay ay ang magka-!njury dahil sa maling work-out formation. Kaya naman upang masigurado na tama ang posisyon at porma niya habang nag-eehersisyo pinalibutan ni Bea ng mga salamin ang buong gym.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Maliban sa equipments, nagpalagay din si Bea ng isang flat-screen TV, speaker at neon lights sa kanyang gym.

Isa naman sa mga nagbibigay kulay at buhay sa gym ni Bea ay ang maraming potted plants. Pag-amin naman ni Bea, nag-eehersisyo siya hindi lamang para makamit ang isang magandang katawan ngunit para rin sa kanyang kabuuang kalusugan.

Aniya, “I know I don’t look like your typical gym buff gal, but I’ve been trying to work on my body not just for aesthetics but more importantly, for my health.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Giit pa niya, “I think lahat naman tayo ay mag-aagree kapag sinabi kong HEALTH is our main priority these days.”