Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang napakagandang 16 hectares farm sa Iba, Zambales!

Binuksan ni Kapamilya actress Bea Alonzo ang pagmamay-ari niyang 16 ektaryang farm sa Iba, Zambales para sa kanyang YouTube subscribers.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Pinaunlakan ni Bea ang hiling ng kanyang mga subscriber kung saan ipinasilip niya ang loob ng kanyang napakalawak at napakagandang farm.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ayon kay Bea, nabili niya ang farm noong 2011 sa tulong na rin ng batikang aktres na si Isabel Rivas. Ipinakita umano sa kanya ni Isabel ang property na noon ay walang pang mga tanim kundi isang puno lamang.

“In-invite niya kami sa farm niya in Zambales, not so far away from here. Sabi niya, may ipapakita sa aming lupa. At first, sa totoo lang, back then I was very young, naisip ko, kaya na ba naming mag-farm, or is it worth it? Or matututukan ba namin?” kwento ni Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ikwenento ni Bea na kinailangan nila ng tulong mula sa iba’t ibang tao para ma-develop nila ang lupa para maging isang farm.

Bahagi ni Bea, “Siyempre, no man is an island. Alam mo that you will need a lot of help from different people. And most importantly, since hindi kami taga-Zambales, we are so glad na mababait yung mga tao dito at nakakasundo talaga namin silang lahat.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

“Beati Firma” o “Blessed Farm” sa wikang Latin ang ipinangalan nina Bea sa kanilang farm.

Ipinagmalaki ni Bea na “organic farm” ang kanilang farm. Ibig sabihin nito ay hindi sila gumagamit ng kemik@l o gamot para ipakain sa kanilang mga hayop o para palakihin ang kanilang mga tanim.

Ani Bea, “I’m very proud to say that we have an organic farm. We don’t do feeds. We don’t do antibi0tics. We also don’t do sprays or pest!cides. We don’t use them for our farm.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Samantala, kapansin-pansin sa vlog na maayos ang pagkakadistansya ng mga tanim na punong Mangga sa farm nina Bea. At maging ang nakapalibot na 5,000 Mahogany trees ay maganda rin ang pagkakatanim.

Ayon kay Bea, ang kanyang ina ang pinakatutok sa pagma-manage ng farm. Kumikita rin umano sila mula sa pagbebenta ng mga kalamansi. Bukod dito, mayroon ding pagmamay-aring palayan si Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ipinakita rin ni Bea ang napakaraming alagang hayop nila. Ilan sa mga pinapalaking hayop nila Bea sa kanilang farm ay baka, kambing, baboy at tupa.

Credit: Bea Alonzo YouTube

May tatlong bahay din na ipinatayo si Bea sa kanyang farm na nakapangalan naman sa kanya, sa kanyang ina at pamangkin.

Proud si Bea na sabihin na nakakatipid sila sa kuryente dahil nag-invest sila sa mga solar panel.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Samantala, nagsisilbing bonding place naman nina Bea at ng kanyang pamilya ang isang half-size basketball court at isang tree house.

Marami pang plano si Bea para sa kanilang farm at isa na rito ang pagpapatayo niya ng mga bahay para sa kanilang mga staff.