Bea Alonzo, muling pinahanga ang mga netizen sa kanyang pagiging organize matapos ipasilip ang kanyang malinis at napakagandang pantry!

Maraming tao ang humahanga sa aktres na si Bea Alonzo hindi lamang dahil sa kanyang husay sa pag-arte ngunit dahil din sa kanyang pagiging wais at masinop pagdating sa kanyang kinikitang pera.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa tagal nang nagtatrabaho ni Bea bilang isang artista ay hindi na nakapagtataka na marami na siyang nabiling property.

Isa-isa namang ipinasilip ni Bea sa kanyang mga tagahanga ang ilan sa mga nabiling niyang ari-arian sa kanyang YouTube channel.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Matatandaang kamakailan lamang ay binuksan ni Bea sa lahat ang kanyang napakalawak at napakagandang farm sa Iba, Zambales.

Nagbigay din ng house tour si Bea sa mga bahay na ipinatayo niya sa loob ng kanyang malawak na farm na nagsisilbing resthouse niya at ng kanyang pamilya.

Sa pinaka-latest vlog naman ni Bea ay makikitang balik-Maynila na siya.

Credit: Bea Alonzo YouTube

At sa pagkakataong ito, ipinasilip ni Bea ang pantry ng kanyang bahay sa Maynila sa kanyang “Pantry and Fridge Tour” kung saan nagbahagi rin siya ng ilang tips sa pag-oorganize.

Maluwang, malinis at magandang tingnan ang pantry ni Bea. Makikita mong bawat kabinet, shelf at espasyo sa loob nito ay may nakalagay na container o basket ng pagkain o hindi naman kaya ay mga kagamitan niya sa pagbe-bake at pagluluto.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Mapapansin mo na puno ngunit hindi makalat ang loob ng pantry ni Bea dahil na rin sinisigurado raw talaga niyang naka-organize ang lahat ng mga pagkain.

Sa top shelf ng floor-to-ceiling cabinet ni Bea matatagpuan ang mga canned good, pasta sauces at sa baba naman ang mga glass jar na may lamang cereals, grains, pastas at iba’t ibang snacks. Habang sa pinaka-ilalim naman ay makikita ang iba’t ibang oils at sauces na ginagamit ni Bea sa pagluluto.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Nakalagay naman sa mga food basket ang stocks na coffee beans, noodles, sugar at spices ni Bea.

Ipinakita rin ni Bea ang kanyang baking corner kung saan nakalagay ang kanyang baking supplies.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Bukod sa mga pagkaing Pinoy, may espasyo rin sa loob ng pantry ni Bea ang ilang Korean food and snacks. Samantala, sa isang tray naman nakalagay ang spices at condiments ni Bea.

Payo naman ni Bea para sa lahat na huwag matakot na mag-invest sa mga glass food container dahil bukod sa earth-friendly ito, matagal din itong masira at nakakadagdag pa sa ganda ng lugar.

Ayon kay Bea, mahilig daw talaga siyang mag-organize at isa kanyang go-to organizing method ay ang paglalagay ng “expiration date” sa bawat food container.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Gamit ang kanyang portable label printer ay isa-isang nilalagyan ng pangalan at expiration date ni Bea ang kanyang mga food jar, container at basket. Sa katunayan, maging ang mga pagkain sa loob ng kanyang refrigerator, storage boxes at light switches ng kanyang bahay ay nilalagyan din ni Bea ng ‘label’.