Bea Alonzo, personal na ipinaghanda ng dinner ang mga kapitbahay nilang Aeta!

Maaaring marami ng magagandang memories si Bea Alonzo at marahil ay dahil sa marami niyang experience ay hindi niya magagawang maalala ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay pero ang simpleng pagpapamalas niya ng kabutihan sa kapwa ay mananatili at tatatak sa puso’t isip ng kanyang mga natulungang tao.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa husay at galing ni Bea Alonzo sa pag-arte, hindi na talaga kagulat-gulat kung bakit siya naging “household name” sa Pinoy showbiz pero kaakibat din ng tinatamasa niyang kasikatan ay ang pagiging busy niya kaya isa talagang malaking ginhawa para sa kanya na makapagbakasyon kasama ang pamilya katulad na lamang sa pagbisita niya sa kanyang farm sa Zambales na kung tawagin niyang “Beati Firma” dahil hindi lang simpleng fambam ang nangyari dahil kasama lang naman nila ang special nilang mga bisita at ito ay ang kapitbahay nilang mga Aeta!

Credit: Bea Alonzo YouTube

Mula pa man noon, matagal nang ibinabahagi ng aktres na bukod sa pagta-travel, mahilig din siya sa pagluluto kaya sumasalamin talaga sa kanyang mga interes sa buhay ang content sa kanyang vlogs. Sa latest na video na ibinahagi ni Bea sa YouTube, hindi lamang self-consumption ang hinandang chicken hamonado nila ng kanyang kapatid na si James at ng asawa nitong si Thalia kundi ay para sa kanilang kapitbahay na mga Aeta na inimbita nila ng dinner sa Beati Firma.

“So after cooking, nag-invite kami ng aming mga kapitbahay na Aetas. Hindi nila alam na nagpe-prepare kami ng meal ngayon para sa kanila,” saad ng aktres.

“Later on, we will, of course, share an early dinner with them, merienda-dinner with them.”

Nang natapos sa paghahanda ng chicken hamonado at iba pang mga pagkain, masayang nagsalo-salo ang lahat kung saan ay nakipagkuwentuhan pa si Bea sa kanilang mga bisitang Aeta. Of course, hinding-hindi rin mawawala ang sayawan kaya labis talagang nag-enjoy ang lahat ngunit hindi pa rito natatapos ang kasiyahan dahil namigay din ng gifts ang aktres.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa kabutihang ipinamalas ni Bea, marami talaga sa netizens ang na-touch at nagpahayag ng kanilang magagandang saloobin dahil hindi lamang umano kaalaman sa pagluluto ang handog ng vlog niyang ito dahil ibinida rin niya ang beauty sa company ng mga Aeta.

Kung simpleng dinner at bonding lamang ito para sa iba, pareho naman itong memorable para kay Bea Alonzo at sa kanyang mga bisitang Aeta!