‘Beach wedding’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakatakda umanong mangyari bago sila tumungtong sa edad na 30

Napuno ng kilig ang media press conference ng kauna-unahang digital movie series ng KathNiel na “The House Arrest of Us” nang kumpirmahin ni Kapamilya “Teen Queen” Kathryn Bernardo na pinaplano na nila ng kanyang on-and-off screen partner na si Kapamilya “Teen King” Daniel Padilla ang kanilang kasal na posibleng maganap apat na taon mula ngayon.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram     

24 na taong gulang na kasi ngayon si Kathryn at noon pa lamang sa kanilang mga naunang interview ni Daniel ay inamin na nila na balak nilang magpakasal ni Daniel bago pa sila tumungtong sa edad na 30.

Matatandaang nauna nang na-ikwento ni Daniel sa presscon para sa kanyang virtual concert na “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” na bago umano siya mag-30 ay nais na niyang maikasal.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ayon naman kay Kathryn, napag-uusapan na raw nila ni Daniel ang kanilang kasal. Para naman sa aktres, marami pa umano silang panahon ni Daniel para paghandaan ang kanilang kasal.

Ibinahagi naman ni Kathryn ang kanilang ‘dream wedding’. Ani Kathryn, “Pareho kami na yung dream wedding namin is simple lang and very intimate.”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Wala naman daw eksaktong petsa kung kailan gaganapin ang kanilang inaabangang kasal. Ngunit tinitiyak naman ng aktres na darating din ang panahon kung kailan magiging handa na sila ni Daniel na pasukin ang mundo ng pag-aasawa.

Dagdag pa ni Kathryn, “Ayaw ko naman siyang i-pressure pero darating din yung mga bagay na yan. Mararamdaman mo naman kapag ready na kayo. So tingnan natin kung anong period.”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Samantala, isa sina Kathryn at Daniel sa mga celebrity couple na wala masyadong naging problema pagdating sa pagiging magkasundo ng kanilang bawat pamilya sa isa’t isa. Ikwenento pa nga ni Kathryn, na talagang itinuturing na niyang pangalawang pamilya ang pamilya ni Daniel.

Aniya, “I think it’s safe to say na okay. Okay yung relationship ko kay tita Karla, and si Mama and DJ super okay. Happy kami na, in real life na maayos ang pamilya namin pareho…And parang extended family ko na rin sila. So I’m happy na ganu’n yung klase ng relationship meron kami.”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Sa mediacon ay natanong din si Kathryn kung bakit pinili nitong hindi lumipat ng channel ngayong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sagot naman ni Kathryn, “Aside from ABS-CBN our mother network, sobrang malaking bagay kasi sa akin ng loyalty. And ito ‘yung way ko na pasalamatan ‘yung network.”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ngayong October 24 na nga ay mapapanood muli ang KathNiel sa telebisyon matapos ang huling proyektong ginawa nila bilang loveteam noong 2018.

Ang kanilang bagong digital movie series ay mayroong 13 episodes na unang mapapanood sa ‘KTX.ph’.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Maliban sa KathNiel ay tampok din sa serye ang mga batikang artista kagaya nila Gardo Versoza, Dennis Padilla, Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Arlene Muhlach at marami pang iba.