Bearwin Meily, emosyonal na ikwinento ang matinding pinagdaanan na umabot sa pagbenta ng kanyang dream house

Naging emosyonal na lamang ang dating komedyante na si Bearwin Meily nang magkakuwentuhan sila ni Ogie Diaz sa isang vlog kung saan ibinahagi nito ang mga problema at hirap na naranasan niya sa buhay.

Credit: Bearwin Meily YouTube

Sa pagbabalik-tanaw niya sa kanyang career sa showbiz kung saan nawalan siya ng mga proyekto at sinabayan pa ng p@ndemya, naging mahirap at matindi na ang kanyang mga pagsubok sa buhay.

Ayon pa sa kanya na ang “Home Sweetie Home” na ipinapalabas sa telebisyon bawat Linggo ng gabi ang huli niyang proyekto simula nang nagkap@ndemya kung saan kasama niya ang artistang si Ogie Diaz.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ibinahagi ni Bearwin ang mga naging pagsubok niya sa loob ng kanyang bagong negosyo na “Corny Doggy” sa latest vlog ni Ogie Diaz. Napaluha na lamang ang dating komedyante nang isalaysay niya ang mga pinagdaanan niya bago pa man ang p@ndemya hanggang sa kung paano siya nakabangon sa buhay sa kabila ng lahat.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ibinahagi niya na bago pa man nagka-p@ndemya, naapektuhan na siya. Hindi na siya nabigyan ng chance sa telebisyon at sinabi na ang “Home Sweetie Home” ang naging huli niyang proyekto. Dahil doon ay naapektuhan rin ng p@ndemya ang iba pa niyang kabuhayan at kapusin ng pera. Nabili niya ang dream house nilang mag-asawa bago pa man at tumakbo ng eleksyon noong nakaraang halalan pero hindi nanalo.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Before p@ndemic, nakabili ako ng bahay. Hindi pa man nagpa-pandemic, tumakbo akong konsehal. Hindi rin naman pinalad. So, at first maghahagilap ka. Pero kapag wala ka ng ibang aasahan dito, walang industriya walang trabaho, hindi ka nanalo so wala kang ibang kakapitan kung hindi ang Diyos,” emosyonal na sabi ni Bearwin.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Sa kabila ng dagok at hirap na kanyang pinagdaanan, bago at simula ng p@ndemya ay pinili niya pa rin na magtiwala at ihabilin ang lahat sa Diy0s. Kahit gaano katindi ang mga naging problema niya ay nagpapasalamat siya sa Diy0s dahil ang sitwasyon niya ngayon ay mas maayos pa sa naging buhay ng iba ngayon.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Iyong surrender in a sense na hindi mo matanggap na ibenta iyong bahay mo, ibebenta mo eh. When you surrender everything sa Diy0s, tanggap mo iyong sitwasyon na hindi ka nangarag, naghahabol sa bayarin mo kasi wala ka ng malaking babayaran kasi nangungupahan ka na lang.”

Sabi pa ni Bearwin, “People will disappoint you but God never will” kung saan ibinahagi niya na si Bayani Agbayani ang artistang hinding-hindi niya malilimutan dahil through thick and thin ay nasa kanyang tabi ito at kahit kailan ay hindi siya hinindian.

Credit: Bearwin Meily YouTube

Sa ngayon ay nakatuon ang pansin ni Bearwin sa kanyang negosyo na “Corny Doggy” na may potensyal na maging franchise business dahil ayon sa kanya ay marami ang interesado.