Bela Padilla, inanusyo ang pamimigay ng panghabambuhay na libreng gasolina ng isang gasoline company sa Pilipinas para sa kanilang mga kostumer!

May magandang balita si TV actress Bela Padilla sa mga motorista. Ibinalita ni Bela sa kanyang Instagram ang pamimigay ng panghabambuhay na libreng gasolina ng isang gasoline company sa Pilipinas.

Credit: @bela Instagram   

Ayon kay Bela, sagot na ng SEAOIL Philippines ang panghabambuhay na gasolina ng tatlong mapalad na drayber o tsuper.

Credit: @bela Instagram

Sa ikaapat na taon kasi ay muling mamimigay ng panghabambuhay na gasolina ang SEAOIL Philippines sa tatlong masuwerteng motorista sa kanilang “Lifetime Free Gas Promo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

“BREAK FREE FROM GAS-TOS!”, ito ang gustong iparating ng SEAOIL sa kanilang gas promo.

Napakalaking tulong ng “Lifetime Gas Promo” ng SEAOIL para sa tatlong masuwerteng motorista na mananalo dahil hindi na nila kailangan pang gumastos ng anumang sentimo para sa kanilang gas.

Credit: @seaoilph Instagram

Para naman sa mga motorista, simple lang ang gagawin para makasali sa lifetime gas promo ng nasabing gasoline company. Ang gagawin lamang nila ay magpa-gas ng hindi bababa sa P500 sa kahit saang SEAOIL gasoline station. Pagkatapos magpa-gas ay makakatanggap ng isang coupon ang motorista na may lamang promo code. Susunod na gagawin naman ng motorista ay pumunta sa www.lifetimefreegas.com at mag-register gamit ang promo code.

Credit: @seaoilph Instagram

Ayon naman kay Bela, hindi problema kung walang internet connection ang motorista dahil pwede naman siyang mag-register sa pamamagitan ng pagte-text sa 225-66-99.

Maaari lamang sumali sa raffle promo ang mga motorista na bumili ng SEAOIL fuels or lubricants mula November 9, 2020 hanggang February 8, 2021. Pipili ang SEAOIL ng tig-iisang lucky winner mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Credit: @bela Instagram

Ayon naman kay Glenn Yu, Chief Executive Officer ng SEAOIL, ang “Lifetime Gas Promo” ay paraan ng kanilang kumpanya para pasalamatan ang kanilang mga masugid at tapat na mga kostumer.

Aniya, “The Lifetime Free Gas (LFG) promo is our unique way of thanking our loyal customers for their continuous patronage, and at this time, it is also an opportunity to fuel their recovery. Winning will enable them to break free from “gas-tos” and move forward faster.”