Bela Padilla, ipinakilala na ang lalaking bumihag sa kanyang puso nang magshooting siya para sa pelikulang “Meet Me in St. Gallen” sa Switzerland

Kinilig ang netizens nang ipinakilala na sa wakas ni Kapamilya actress Bela Padilla ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.

Credit: Bela Padilla Instagram        

Sa kanyang Instagram nitong October 6, ay nag-post si Bela ng mga litrato kasama ang isang foreigner habang nasa Rose Valley, isang tourist spot sa Cappadocia Turkey.

Credit: Bela Padilla Instagram

Caption ni Bela sa IG post, “The one I met in St. Gallen by @orciborci”

Sa comment section ng kanyang IG post, nag-komento ang lalaking kasama ni Bela sa litrato.

Credit: Bela Padilla Instagram

“Hi love [heart emoji],” komento ng lalaki na nagngangalang Norman Ben Bay.

Tila kinumpirma ni Bela na nobyo niya ang lalaki dahil nag-reply ito ng isang emoji ng babae at puso.

Credit: Bela Padilla Instagram

Nabulabog naman ang naturang comment section nang sabihin ng lalaki na, “@bela haha mahal kita [kiss emoji] [heart emoji]. Also my phone’s expl0ding.”

Nag-reply din si Bela sa isang tanong ng netizens kung totoo bang nagkita ang dalawa sa St. Gallen, isang lugar sa Switzerland kung saan kinunan ang 2018 romantic-comedy film ni Bela kasama si Carlo Aquino na “Meet Me in St. Gallen”.

Credit: Bela Padilla Instagram

Komento ng naturang netizen, “Wait, you guys literally met in St. Gallen when you were filming the movie namesake? Cutieeeeee”

Isang simpleng, “yup 🙂” lamang ang naging tugon ng aktres.

Dahil sa anunsyong ito ni Bela kaya hindi magkamayaw ang kanyang mga tagahanga pati na ang mga kasamahan niyang artista dahil sa sobrang saya at kilig.

Credit: Bela Padilla Instagram

Sa comment section, bumaha ang sari-saring reaksyon ng kanyang mga kasamahan sa showbiz.

Nangunguna sa mga nag-react sa bagong nobyo ni Bela si Kapamilya actress Arci Muñoz.

Reaksyon ni Arci, “Aba aba aba?!!! Paano na si lovejoy?!! Haha soo happy for you belat!!! [heart emoji]

Masayang-masaya naman ang anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto para sa kanyang bestfriend na si Bela.

Credit: Bela Padilla Instagram

Ani Dani, “My heart is so freakin happy right now!!!!!”

Samantala, maraming netizen naman ang nakapagsabi na ka-look-alike o kamukha ni Ben ang British Pop Singer na si Harry Styles, na unang sumikat nang maging miyembro siya ng pinakasikat na British boyband group noon na “One Direction”.

Isa sa mga nakapansin sa pagkakahawig ni Ben at Harry si Kapamilya singer-songwriter Janine Berdin.

Komento ni Janine, “omg may hawig po siya kay Harry!!!!! Wahh cute nyo po omg!!!!!!”

Credit: Bela Padilla Instagram

Saad naman ng isang Instagram user, “Is it just me or does he look like harry styles”

Sabi naman ng isa pang netizen, “Bakit kahawig ni harry styles? Hahahahaha @bela”

Credit: Bela Padilla Instagram

Sa panahon na isinusulat ito ay umabot na ng mahigit 500 million ang likes na natanggap ng litratong i-pinost ni Bela kasama si Ben.