Beth Tamayo, ikinasal sa kanyang long time American partner sa isang simpleng wedding ceremony sa kanilang bahay sa California!

Isa ang dating aktres na si Beth Tamayo sa mga hinahangaang aktres noong dekada 90. Marami ang nahumaling sa taglay na kagandahan ni Beth. Sa katunayan, tinagurian siya noon bilang isa sa mga may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Credit: @bethtamayo21 Instagram

Mahusay din siyang aktres at nag-iwan ng marka sa mga manonood matapos siyang gumanap sa mga pelikula tulad ng “Pedrito Masangkay: Walang Bukas Iniwan”, “It Might Be You” at “Anak ng Pasig”
Ngunit noong 2008 sinorpresa ni Beth ang marami pagkatapos niyang umalis sa bansa at pumunta sa Amerika.

Mahigit isang dekada naman ang makalipas matapos niyang iwan ang kanyang buhay dito sa Pilipinas ay inanunsyo ni Beth na nagpakasal na sila ng kanyang Amerikanong nobyo na si Adam Hutchinson.

Credit: @bethtamayo21 Instagram

Noong March 3, ginanap sa kanilang bahay sa San Francisco, California ang simple ngunit puno ng pagmamahal na pag-iisang dibdib nina Beth at Adam.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi rin ni Beth ang ilang wedding pictures nilang mag-asawa. Ayon kay Beth, isang hindi malilimutang karanasan para sa kanila ang magpakasal sa gitna ng p@ndemya.

Credit: @bethtamayo21 Instagram

Ani Beth, “Getting married during the pandemic was quite an experience. Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!”

Dahil hindi pa rin pinapayagan ang malalaking pagtitipon, nangako si Beth na ipagdiriwang nila ang kanilang espesyal na okasyon kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya kung ligtas na itong gawin.

Credit: @bethtamayo21 Instagram

Aniya, “When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!”

Sa kanyang post ay ipinaabot din ni Beth ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanilang kasal. Kabilang dito ang kanyang ina at kapatid at kanilang mga kaibigan.

Credit: @bethtamayo21 Instagram

“Wanted to personally thank…My sister @joanne_414 who was one of our witnesses and surprised us with an awesome yard sign! To my mom @tamayozeny who woke up early to watch it behind the scenes.”

Dagdag niya, “To my co-workers and friends who sent us flowers. To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!”

Credit: @bethtamayo21 Instagram

Matatandaang dati nang ikinasal si Beth kay Johnny Wong noong 2004 ngunit kalaunan ay napawalang bisa rin ito matapos nilang maghiwalay noong 2008.