Bettina Carlos, halos hindi makapaniwalang buntis siyang muli matapos makunan!

Sa tuwing may nawawala, may dumadating. Minsan naman nating kinuwestiyon ang plano ng Panginoon para sa atin, wala namang katumbas ang kasiyahang nararamdaman natin sa tuwing dumadating ang panahon na napagtatanto nating may purpose pala sa lahat ng sakit at paghihirap na ating pinagdaanan.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Bilang isang ina, talagang nakakabuo ka ng connection sa iyong mga anak. Kahit na’y nasa sinapupunan pa lamang ito at tanging galaw lamang nila ang nararamdaman, buhay na buhay sila sa puso’t isip ng kanilang Mommy kaya talagang hindi biro ang pakiramdam kapag nakukunan ang isang preggy Momshie.

Hindi man lang nagawa ni Bettina Carlos na makita o mahagkan ang baby nila ng asawang si Mikki Eduardo dahil napakaaga nitong kinuha sa kanila. Dahil dito, labis na nanlumo ang TV host at ilang buwan din na nag-cope upang maka-move on sa masakit na pangyayari ngunit matapos ang tatlong buwan simula nang nakunan, nalaman niyang muli siyang nagdadalang-tao.

Sa vlog na ibinahagi ni Bettina kumakailan lamang, ikinuwento niyang halos hindi siya makapaniwala lalo na’t bago pa lamang matapos siya sumailalim ng surgery kaya nang nag-positibo ang unang pregnancy test, pinilit niya ang sarili na huwag masyadong ma-excite hanggang tuluyan nga siyang nakumbinsi matapos ang sunod-sunod na test.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Ayon kay Bettina, “Sabi ko, ‘Ah baka wala lang. Baka… late na eh. Hapon ako nag-test. Baka cheap ‘yung pregnancy test kit ko’ so when I checked tapos nag-positive ako, sabi ko ‘Totoo ba ‘to? Totoo bang I’m pregnant?'”

Dagdag pa niya, “Kasi we’re not really actively trying. Parang after losing Wammy, we decided to take a pause in trying to be pregnant for a while so hindi talaga namin in-expect.”

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Kahit na’y anim na buwan ang advice ng kanilang doctor bago pa nila magagawa ng asawa na sumubok ulit, talagang may sariling timing ang Panginoon.

“So kahit pa sabihing six months, if on third month, God would want to give it, by all means, He would and He can,” pahayag ni Bettina.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

“When I think about my pregnancy, I can’t help but really say God knows his time talaga for everything. Parang His timing is always perfect.”

“I just felt like ang sweet naman ni God. Ang bilis-bilis. Hindi talaga namin inaasahan na He will bless us this early,” saad niya.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Dahil sa blessing na natanggap ng mag-asawa, hindi maiwasan ni Bettina na maisip na sobrang perfect ng timing ng Panginoon dahil kaka-isang taon lang din nila simula nang lumipat at tumira ang kanilang buong pamilya sa La Union at unti-unti na rin siyang nakaka-recover sa pagkawala ni baby Wammy.