Bettina Carlos, ibinahagi ang ipinapatayong resort villa at dream house ng kanyang non-showbiz husband para sa kanila sa La Union!

Unti-unti nang nabubuo ang dream house ng mag-asawang Bettina Carlos at Mikki Eduardo. Halos isang taon matapos ang kanilang kasalan, ipinasilip ng dating aktres sa kanyang Instagram account ang ipinapatayong resort villa at bahay ni Mikki para sa kanila sa La Union.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Sa kanyang post, ibinahagi ni Bettina ang ilang larawan ng pagmamay-aring property ni Mikki sa nasabing probinsya.

Ayon kay Bettina, una siyang dinala ni Mikki sa nasabing property noong August 2020 kung kailan hindi pa sila na-eengage.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

“It’s been a year since you brought me to this land (di pa nga tayo engaged)- the first time we visited LU together you brought me here right away and told me that on this spot is where we will build our future,” kwento ni Bettina.

Ibinunyag naman ni Bettina na wala siyang kaalam-alam na sa lugar ding iyon ay ipapatayo ni Mikki ang isang bahay para sa kanilang mag-asawa at sa anak niyang si Gummy. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Gummy o G ay anak ni Bettina sa kanyang dating karelasyon.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Paglalahad ni Bettina, alam lamang niyang sa nasabing property ipapatayo ni Mikki ang negosyo nitong villa resort at wala umano itong binanggit sa kanya tungkol sa plano nitong doon ipapatayo ang kanilang future house.

Ani Bettina, “Villas lang non. (Business muna at parang sa kwarto lang tayo there somewhere. Wala nga kong narinig na bahay. Kung saan mo kami ititira ni G (Gummy).”

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

“Because for you our comforts can wait. True. You know I always admired your wisdom in money and being content sa payak na pamumuhay Love. (Pero ngayon may drawing na at plano na ang bahay yiheee. Diba maghuhukay na, @migsbanal @bongdapogi?” dagdag niya.

Inamin din ni Bettina sa kanyang post na hanggang ngayon kahit mag-asawa na sila ni Mikki ay hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat sa kanya, kasama rito ang unti-unting pagbuo nila sa kanilang dream house.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

“You kept saying OURS. Our land. Our villas. I couldn’t believe I had a part in something I never worked for to have. Until we got married I would still pertain to it as yours or your family’s villas. I guess surprise blessings like this take time to sink in ano,” saad ni Bettina.

“I never thought I’d ever live in a house – a (near the) beach house even or move out of our condo ever. Hello I didnt even think I’d marry! But today this is already what’s being built on that once empty lot,” dagdag niya.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Matatandaang ikinasal sina Bettina at Mikki noong December 2, 2020 matapos ang ilang buwang pagiging engaged.