Bettina Carlos, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo

Masayang dumagdag sa listahan ng mga ikinasal sa gitna ng p@ndemya o “c0vid brides” ang dating aktres na si Bettina Carlos.

Credit: Bettinna Carlos Instagram       

Noong December 2 ay masayang ibinahagi ni Bettina na kasal na sila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Mikki Eduardo.

Unang nag-post si Bettina ng larawan ng kanyang napakagandang bridal bouquet. Sa caption ay sinabi ni Bettina na dumating na ang araw na itinakda ng Diyos para sila ni Mikki ay magpakasal.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

“This is THE DAY that the Lord has made!❤❤❤,” caption ni Bettina.

Sa sumunod naman niyang post ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Mikki na kuha sa kanilang naging kasal at reception.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Garden wedding ang tema ng Christian wedding ceremony nina Bettina at Mikki. Isang Bible verse naman ang inilagay ni Bettina bilang caption sa kanilang wedding photos ni Mikki.

Sulat ni Bettina sa caption, “It will no longer be said to you, “Forsaken,” Nor to your land will it any longer be said, “Desolate”; But you will be called, “My delight is in her,” And your land, “Married”; For the Lord delights in you, And to Him your land will be married.” -Isaiah 62:4″

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Sinabi rin ni Bettina na alam umano niya sa kanyang puso na ikakasal siya ngayong taon.

Aniya, “For some reason I knew in my heart I was going to get married this year….”

Dagdag niya, “BUT I did not expect it to be TWICE and on the same day. Thankfully to the same man. 😉”

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Pabiro pang ipinakilala ni Bettina ang kanyang sarili na gamit na ang apelyido ni Mikki.

Ani Bettina, “Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong C0V!D bride.👰”

Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan din ni Bettina ang mga photographer na kumuha ng kanilang mga wedding photo.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Saad ni Bettina, “Grateful to have @jayjaylucas (@chestknots) cover our morning wedding and @patdy11 capture moments in our afternoon celebration.❤”

Sa huli ay labis-labis ang pasasalamat ni Bettina sa Diyos. Aniya, “AHHHH THANK YOU LOOOOORD!!!!!!🙌❤🙏”

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Marami naman ang naantig sa kakaiba at magandang love story nina Bettina at Mikki.

Sa mga hindi nakakaalam, si Bettina ay isang single mom sa kanyang anak na si Gummy. Noong August ay inanunsyo ni Bettina ang relasyon nila ni Mikki kung saan ay ikwenento niya na si Mikki ay ang sagot sa kanyang mga dasal.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Ipinagdasal ni Bettina sa Diyos na ibigay nito sa kanya ang isang lalaking hindi na umano niya kailangang turuan para mahalin at pakisamahan ang kanyang anak.

“You are perfect FOR US, my Love. You are my answered prayer. A blessing from the Lord. I thank God for you everytime I remember you,” ani Bettina.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Inanunsyo naman nina Bettina at Mikki ang kanilang engagement nitong October.