Bettinna Carlos, ibinunyag na nag-propose rin sa kanyang 9-taong gulang na anak ang kanyang non-showbiz husband na si Mikki Eduardo

Tila natagpuan na ng dating aktres na si Bettinna Carlos ang perpektong lalaki para sa kanya at para sa kanyang 9-taong gulang na anak na babae na si Gummy sa katauhan ng kanyang non-showbiz husband na si Mikki Eduardo.

Credit: Bettinna Carlos Instagram     

Ilang araw matapos ang kanilang kasal noong December 2 ay may ibinunyag si Bettinna tungkol kay Mikki na talaga namang nakatanggap ng maraming paghanga mula sa netizens.

Sa isang post sa Instagram nitong Friday, December 4, ikwenento ni Bettinna na isang araw bago ang kanilang kasal ay nag-propose si Mikki sa kanyang anak na si Gummy.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Ibinunyag ni Bettinna na lumuhod si Mikki sa kanyang anak upang tanungin ito kung maaari ba siyang maging ama nito.

Katulad ni Bettinna ay tila nabighani rin ang siyam na taong gulang na bata sa kabaitan at pagmamahal na ipinapakita ni Mikki sa kanila dahil pumayag ito na maging ama niya ang lalaki.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

“December 1, 2020 The night before our wedding, @mikki.e.eduardo proposed to @gummy_carlos. He asked her of she will allow him to be her father and raise her up to the fear and knowledge of the Lord. To which she said YES!❤,” sulat ni Bettinna sa caption ng kanyang IG post.

Sa kanyang post, makikita ang ilang larawan kuha mula sa ginawang proposal ni Mikki. Sa unang larawan, makikita si Mikki na inilalagay ang singsing sa daliri ni Gummy. Makikita naman sina Mikki at Gummy na niyayakap ang isa’t isa ng mahigpit sa ikalawang larawan.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Sa sumunod naman na larawan ay makikita ang dalawang singsing na ibinigay ni Mikki sa mag-ina. Magkaiba lamang ang laki ng dalawang singsing ngunit magkatulad ang kanilang desenyo .

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Sa huli ay proud na ipinakita nina Bettinna at Gummy ang singsing na ibinigay sa kanila ni Mikki. At kahit hindi pa sila kasal noon ay larawan na sina Mikki, Bettinna at Gummy ng isang masayang pamilya.

Sa huli ay sinabi ni Bettinna na narinig at pinakinggan ng Diyos ang kanyang dalangin. Inamin ni Bettinna na ipinagdasal niya sa Diyos na bigyan din ni Mikki si Gummy ng singsing “to confirm that if Mikki really is His best” para sa kanila. Kaya naman maituturing ni Bettinna na ‘answered secret prayer’ niya ang pagpo-propose ni Mikki kay Gummy.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Paglalahad ni Bettinna, “This was an answered secret prayer for me. One I never told anyone but the Lord. One I asked from Him twice. I asked God to confirm that if Mikki really is His best for us that he would give Gummy a ring too. After all he is not just marrying me but her as well. God heard and heeded my prayer. Hallelujah!❤”

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Noong August ay isinapubliko ni Bettinna ang relasyon nila ni Mikki.