Bianca Gonzalez, hinimok ang kanyang mga kapwa magulang na gawing ‘normal’ ang pagpapasa ng mga preloved items

Malaki ang natitipid ng TV host at modern day parent na si Bianca Gonzalez-Intal pagdating sa mga damit ng kanyang mga anak. Ito ay dahil karamihan ng mga damit na kanilang isinusuot ay preloved o tinatawag din ni Bianca na ‘hand-me-down’ items.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

Ibinahagi ni Bianca kamakailan sa kanyang Instagram account na mula noong mga sanggol pa lamang ang kanyang mga anak na sina Lucia Martine at Carmen Eliana magpahanggang ngayon, karamihan umano ng mga damit nila ay ibinigay lang.

Kwento pa ni Bianca, nasasayangan siyang bumili ng bagong damit para sa kanyang mga anak. Paliwanag naman ni Bianca, mabilis lumaki ang kanyang mga anak dahil toddler pa lang ang mga ito. Pagbubunyag pa ni Bianca, 75% ng damit ng kanyang mga anak ay mga hand-me-down items at konti lang ang mga damit ng mga ito na siya mismo ang bumili.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

“My kids and I have been huge fans/supporters/believers of HMD Collections since they were born! (A term coined by my brother, HMD as in hand me downs 🤍). Especially since babies and toddlers outgrow clothes SO fast, nasasayangan talaga ako to buy new clothes! Since birth, I’d say 75% of their clothes are HMD, around 15% were gifts, and konti lang talaga ang binili,” ani Bianca.

Nagpapasalamat naman si Bianca sa mga taong nagpapadala o nagbibigay sa kanyang mga anak ng hand-me-down ng mga damit.

Aniya, “I am so grateful to my sister-in-law @tracypamgonz and the kids’ Ate Sabine for sending us most of her HMDs (ang sarap pa ng *amoy States* na box kapag binuksan!!) and so thankful to @rissamananquiltrillo, Celestia and Audra who have been sending us batches of their beauuuutiful clothes that are too small na for them, ever since my kids were born!”

Credit: @iamsuperbianca Instagram

Dagdag pa ni Bianca, “All are so well taken care of, and my kids are so excited to try them all on agad agad, quick change, multiple changes!”

Sa huli ay hinimok ni Bianca ang kanyang mga kapwa magulang na ‘gawing normal’ ang ‘HMD-ing’ o pagbibigay ng mga preloved item. Siyempre, hinihikayat din ni Bianca ang mga magulang na sumunod sa mga safety at health protocol sa pamamagitan ng paghuhugas nang maayos ng mga damit na ibabahagi nila.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

“So yes, I hope more parents normalize and practice HMD-ing (and following safety protocols of course, washing them well before use) kasi hindi lang siya tipid, it’s practical, sustainable, and it encourages sharing,” ani Bianca sa kanyang Instagram post.