Bianca Manalo, hindi agad napansing kita siya sa camera habang iniinterview ang kasintahang si Sen Win Gatchalian

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na nailalagay natin sa medyo nakakahiyang sitwasyon ang ating sarili at imbes na mahiya ay idinadaan na lamang natin ang lahat sa tawa katulad na lamang ng beauty queen slash aktres na si Bianca Manalo na aksidenteng nakita sa Senate Forum kumakailan lamang.

Credit: @biancamanalo Instagram

Bago nakilala bilang aktres si Bianca Manalo, nagsimula siya sa mundo ng pageantry at kalaunan ay naging isa sa mga beauty queen na talagang hindi malilimutan ng karamihan. Nabiyayaan ng kagandahan, katalinuhan, at promising na kakayahan sa aspeto ng acting, talagang marami sa mga kalalakihan ang nahuhumaling sa aktres at isa na nga sa mga ito ay ang politician na si Win Gatchalian na kasalukuyan ngayong isa sa mga Senador ng Pilipinas.

Ngayong nalalapit na ang eleksyon at matapos ang pormal na anunsyong muling tatakbo sa halalan ang boyfriend ni Bianca, talagang abala si Win sa pag-attend ng importanteng events at kumakailan nga ay sumabak sa Senatorial Forum na ipinalabas Live sa CNN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)

Habang ibinabahagi ang kanyang opinyon tungkol sa isang isyu, nasa may pintuan naman ng kwarto ni Win ang aktres at tahimik siyang sinusuportahan habang nakatutok sa kanya ang dalang cellphone ni Bianca.

Ngunit taliwas sa kanyang pag-aakala na hindi siya nakikita sa camera, ganoon na lamang ang gulat ni Bianca nang napagtanto ito kaya naman dali-dali niyang isinara ang pintuan at lumayo habang natatawa.

“Oh my god! Nakitang nandun ako sa pintuan. Nakakahiya,” bulong ni Bianca habang lumalayo sa kwarto ng boyfriend.

Credit: @biancamanalo Instagram

At mukhang hindi lamang si Bianca ang natawa sa kahihiyang dinanas niya dahil pati si Sen. Win ay natawa rin sa pasikretong pagtayo ni Bianca sa pintuan ng kanyang kwarto.

“Babe, na-distract ako. Ang hirap pa naman ng tanong. When I saw you, na-distract ako eh. Parang gusto kong matawa na hindi matawa,” sabi naman ni Win kay Bianca nang matapos ito sa ginagawa.

Ayon sa aktres, naka-IG Live umano siya kaya naman matagal bago niya na-realize na kitang-kita pala siya sa camera. Sa kabila ng sobrang kahihiyang natamo ni Bianca, hindi pa rin niya maiwasang matawa sa sarili at ibinahagi ang moment na ito sa Instagram.

Credit: @biancamanalo Instagram

“Hay Bianca, oo 🤣 Ano ka rin minsan eh ha 🤣😅😂 bloopers tuloy ako sa Senate Forum last night LIVE on tv 😅😅😅 hahahahahahahahaha,” sulat ni Bianca sa kanyang caption.

Credit: @biancamanalo Instagram

Napahiya man ang sarili, wala namang makakatalo sa katatawanang naibigay ng aktres sa kapwa niya celebrities at fans. Of course, bilang isang Manalo, palaging panalo sa lahat ng ganap sa buhay si Bianca!