Maraming mga netizen ang humanga sa katalinuhan ng unica hija ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali matapos nitong bigkasin ang pangalan ng mga bansa sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa watawat nito.

Sa isang video na ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram account, makikita si Tali na pinangalanan ang mga bansa sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa flashcard na may larawan ng watawat.
Sa edad na 3, nagawang pangalanan ni Tali ang 11 mga bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang mga watawat sa loob lamang ng halos isang minuto.

Kabilang ang bansang America, Canada, Brazil, Germany, Japan, Philippines, Russia, Singapore, Italy, Australia, United Kingdom sa mga bansang pinangalanan ni Tali.
Sinabi naman ni Pauleen na dahil hindi sila makapagbakasyon ngayon kaya naman flag lamang muna umano ang ipinakita niya kay Tali.

“Since we can’t travel yet, flags nalang muna,” sulat ni Pauleen sa caption.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang pagre-recite ni Tali sa mga nasabing bansa.

Marami ang bumilib sa abilidad ni Tali. May ilang netizen pa ang nagkomento na papasa umanong endorser si Tali ng mga gatas at vitamin dahil matalino itong bata. Narito ang ilang komento ng netizen:
“Dapat ganitong bata kinukuhang endorser ng mga milk & vitamins company! Smart kid”
“Excellent! You’re a star Tali. Always watching your videos from [United Kingdom flag emoji]”
“Very good Tali ang galing mo talaga you’re so intelligent baby”

“You know better than me Tali.. very good so cute..”
“Very bright girl naman Tali! Congrats to mom Poleng, very effective teacher.”
Samantala, pinabilib na rin noon ni Tali ang mga netizen nang kantahin niya ang sikat na nursery rhyme na “Old MacDonald Had a Farm”, i-recite ang walong planeta, at magbilang ng isa hanggang 10 sa wikang French.

Bukod sa pagiging matalinong bata, marami ring talento si Tali. Sa murang edad, ay nagsasanay na sa ballet dancing si Tali. Mahilig din siyang kumanta at mabilis na makabisado ang lyric ng mga kanta tulad na lamang ng theme song ng “Eat Bulaga”.