Billy Crawford at kanyang French dance partner, nanalo sa sikat na show sa France na “Dancing with the Stars”

Ibang level talaga ang talento ng mga Pinoy dahil kahit saan man magpunta ay talagang nangunguna sa laban– sports, pakikipagtagisan ng talino, kantahan o sayawan man ay talagang wala tayong inuurungan!

Credit: @billycrawford Instagram

Sa napakamurang edad, nagawa na ni Billy Crawford na makabuo ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang husay at galing sa pag-arte. Bagama’t patuloy man ang pagdami ng mga artistang umaangat sa kasikatan sa kanyang henerasyon, nananatili naman sa tuktok ng kanyang career si Billy at hanggang ngayon ay kilalang-kilala pa rin ng karamihan.

Maliban sa pag-arte, hindi rin maitatanggi ang kahusayan ni Billy sa pagho-host dahil maliban sa pagiging organized, kayang-kaya rin niyang magpatawa at magbigay ng kasiyahan sa madlang people dahilan kung bakit talagang bet na bet siya ng karamihan.

Sa nakalipas na mga taon, madalas natin siyang napapanood sa TV habang umaarte o ‘di kaya’y host sa isang show pero hindi lang pala ito ang kanyang forte dahil may talento rin siya sa larangan ng pagsayaw na muli niyang ipinamalas sa sikat na show sa French na “Danse avec les stars” o “Dancing with the Stars”.

Credit: @billycrawford Instagram

Matatandaan nitong buwan ng Hulyo nang ibinalita ng actor-host ang participation niya sa nasabing competition sa France at sa kabila ng pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz pati na rin ng kanyang fans ay aminado siyang ramdam na ramdam pa rin niya ang kaba pero kaagad naman itong napawi nang nakatanggap siya ng positibong feedback at “standing ovation” mula sa judges sa pinakaunang episode ng show.

Sa competition na ito, partner ni Billy ay si Fauve Hautot na isang French dancer at sa kanilang bawat performance, palagi silang humahakot ng malalaking points mula sa mga hurado.

Bago ang semi-finals, ibinahagi ng aktor sa Instagram ang pasasalamat niya sa lahat ng taong sumuporta sa kanyang journey sa “Dancing with the Stars”. Of course, sinabi rin niyang inspirasyon niya ang kanyang asawa na si Coleen Garcia at ang kanilang anak na si baby Amari sa kanyang bawat performance.

Credit: @billycrawford Instagram

Sa performance ni Billy at ng ni Fauve Hautot sa semi-finals, humakot sila ng 39 at 40 kung saan ay sumayaw sila sa kantang “Let’s Get It Started” ni Maneskin at “Chasing Cars” ni Snow Patrol.

Dahil sa matagumpay nilang performance hanggang dumating ang grand finals, sa wakas ay itinanghal na champion si Billy at ang kanyang dance partner. Makikita sa video kung gaano kasaya at ka-emosyonal ang dalawa nang ianunsyo ang kanilang pagkapanalo. Talaga namang sulit ang pagod at pagsusumikap nila dahil sa huli ay nauwi nila ang matamis na tagumpay.