Billy Crawford, inihayag ang labis na paghanga sa kanyang asawang si Coleen Garcia sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-3 anibersaryo bilang mag-asawa

Isang sweet message ang isinulat ng TV host na si Billy Crawford upang ipahayag ang kanyang pagmamahal at paghanga sa kanyang asawang si Coleen Garcia para sa kanilang ika-3 anibersaryo bilang mag-asawa.

Credit: @coleen Instagram

Matatandaang ikinasal sina Billy at Coleen noong April 20, 2018 sa isang intimate wedding ceremony sa luxury island resort na Balesin sa Polillo, Quezon.

At ngayong taon nga, masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo na mas naging espesyal dahil kasama na nila ang kanilang anak na si baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Sa kanyang Instagram, isang video ang ipinost ni Billy kung saan ay makikita si Coleen na bini-breastfeed si baby Amari.

Kalakip ng video na kanyang ipinost ay ang napaka-sweet na mensahe niya para sa kanyang minamahal na asawa.

Credit: @billycrawford Instagram

Sa kanyang mensahe ay hindi mapigilan ni Billy na humanga kay Coleen dahil sa pagiging mahusay nitong ina at asawa.

Ani Billy, “Happy happy 3rd anniversary my love! Seeing you walk down the isle was so beautiful. But coming home to this and seeing you become an amazing mom but even a better wife, now that’s pure beauty!”

Credit: @billycrawford Instagram

Sa kanilang anibersaryo, ipinagdasal din ni Billy na patuloy na gabayan ng Panginoon ang kanilang pamilya.

Aniya, “Happy anniversary and I love you so so much! I pray that God will continue to bless us and guide our family to joy and success! 🥂 my love! ❤️ ❤️ ❤️ I came home to this by the way!”

Habang si Coleen naman ay inihayag din ang kanyang pagmamahal at appreciation kay Billy bilang isang asawa at ama sa kanila ni baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Ayon kay Coleen, wala na siyang ibang mahihiling pa kay Billy bilang isang partner. Pinasalamatan din ni Coleen si Billy dahil ginagawa nito ang lahat para bigyan sila ng magandang buhay ni baby Amari.

“Happy(est) anniversary, my love! ❤️ Thank you for assuring me every day that you love, appreciate, value, understand, and support me no matter what. You’re all I’ll ever need in a partner,” ani Coleen.

Dagdag niya, “I’m so thankful for you, and so proud of the husband and daddy that you are. 🥰 You continue to grow so much because you are so humble and you genuinely care and want to be better for the people in your life. Thank you for giving us your all, and for keeping us in your mind in everything you do! Three cheers for three years of marriage, and for our little family of three! I’ll never stop thanking God for the both of you.”

Credit: @coleen Instagram

Samantala, naging ganap na mga magulang sina Billy at Coleen noong September 10, 2020. Winelcome nila ang kanilang napaka-cute na anak na si baby Amari Jaden na ngayon ay labis na nagbibigay saya sa kanilang pagsasama.