Gaano ka ka-determinado para masilayan ang ngiti ng iyong pinakakamahal?
Credit: @viycortez Instagram
Hindi nasusukat ng kahit anong materyal na mga bagay ang pagmamahal ng isang tao pero maganda rin sa pakiramdam paminsan-minsan na nakakapagbigay tayo ng regalo sa ating partner lalo na’t kapalit nito ay ang kanilang genuine at malalaking ngiti.
Lahat na yata ng love language ay hinakot na ng power couple na si Viy Cortez at Cong Velasquez kaya hindi talaga kataka-taka kung bakit madalas napapa-sana all ang kanilang fans.
Sa latest na vlog ni Viy, ang gift-giving na love language naman niya ang kanyang ibinida dahil niregaluhan lang naman niya si Cong ng mamahaling motor na matagal na nitong gusto.
Ayon kay Viy, dalawang buwan na umano siyang kinukulit ni Cong na payagan siyang bumili ng motor at ngayon lamang siya tuluyang bumigay.
“Itong si Cong ay two months na niya akong kinukulit. Hindi siya nangungulit para bilhan ko siya kundi nangungulit siya na payagan ko siya. Ngayon, uunahan ko siya,” pahayag niya.
Nang pumunta sa kumpanya na dati niyang pinagtatrabahuan, ganoon na lamang kalakas ang hagalpak ni Viy nang nakita si Cong na nakaupo sa lounge. Nang ipinaalam niya sa partner na ireregalo ni Viy sa kanya ang pangarap niyang motor na nagkakahalaga lang naman ng dalawang milyon, sobrang laki talaga ng ngiti ni Cong at hindi mapigilan na umastang parang bata dahil sa nararamdaman nitong matinding kasiyahan.
Credit: @viycortez Instagram
“Nagkagulatan kami ‘nung motor na ‘yun ah. Ang galing talaga ni Viviys. Iba talaga,” sabi ni Cong sa takeover niya sa vlog ni Viy.
Nang nabili na ang motor, dumiretso kaagad si Cong kasama ang kanyang mga barkada sa pagbili ng kumpletong accessories tulad ng helmet, jacket, at boots. Habang namimili ng mga gamit, hindi talaga niya mapigilan ang namumuo niyang excitement.
Pagdating na pagdating niya sa kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanyang big bike, kaagad niya itong sinubukan at inangkas pa ang nag-iisang reyna sa kanyang buhay na hindi naman maitago ang kasiyahan sa nakakahawang ngiti ni Cong.
Credit: @viycortez Instagram
Kahit gumastos man ng milyon sa ibinigay na regalo, hindi naman nagsisisi si Viy lalo na’t worth it naman ang naging reaksyon ni Cong!