Bo0bay, naiyak matapos balikan ang pagtulong sa kanya ni Marian Rivera noong kailangang kailangan niya nito

Likas na sa ating mga Pinoy na magpatawa at magpasaya ng ibang tao. Kaya naman hindi na nakakagulat na marami sa atin ang mga komedyante. Sa showbiz, isa naman sa kilalang mahusay na comedian at host ay si Norman Balbuena o mas kilala sa kanyang screen name na Bo0bay.

Credit: @boobay7 Instagram

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, maituturing na pala na pangalawang buhay ni Bo0bay ang buhay niya ngayon matapos siyang makaranas ng mild str0ke noong 2016 na naglagay sa kanyang buhay sa panganib.

Kamakailan, inalala ni Bo0bay ang kanyang naging laban sa nasabing kondisyon sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental.”

Kwento ni Bo0bay, ang kanyang ex-boyfriend na si Kent Resquir ang unang nakapansin na nakakaranas na pala siya ng str0ke.

Mabuti na lamang umano ay may kaalaman ang kanyang dating nobyo pagdating sa mga sint0mas ng str0ke at dali-dali siyang nadala sa 0spital para kaagad na matingnan at malapatan ng gamot ang kanyang kondisyon.

Credit: @boobay7 Instagram

Sa awa ng Diyos ay nalagpasan ni Bo0bay ang nasabing sak!t at nabigyan nga siya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.

Bukod sa pagbabahagi ng kanyang kwento, nagpasalamat din si Bo0bay sa mga taong tumulong sa kanya na makaligtas noong mga panahong iyon. Maliban naman sa kanyang dating nobyo, isa sa mga taos-pusong pinasalamatan ni Bo0bay ang aktres na si Marian Rivera.

Ayon kay Bo0bay, tinulungan siya ng aktres na makalipat sa mas maayos na 0spital para magamot siya ng maayos.

“Siyempre ang aking My Loves, Marian Rivera…Kung hindi mo ako nilipat ng ospital para magawa ‘yung mga proseso para bumalik ang memorya ko,” malu-luhang pagbabahagi ni Bo0bay.

Credit: @marianrivera Instagram

Ibinunyag naman ni Bo0bay na ayaw ng aktres na binabanggit sa iba ang pagtulong nito sa kanya. Kaya lang ay tila hindi magawa ng komedyante na hindi ito pasalamatan dahil aniya, kung hindi umano dahil sa ginawang pagtulong ni Marian sa kanya ay baka wala na siya ngayon.

Samantala, dahil sa kanyang karanasan, napagtanto ni Bo0bay ang kahalagahan ng hindi pag-abuso sa ating katawan.

“‘Yun ang hinihingi ko ng tawad kay Lord, kasi noong binigay Niya sa akin ang pagkakataon na makapag-perform almost every night, inabuso ko ang sarili ko. Na nagtrabaho ka na nga, kumita ka na nga, tumanggap ka pa ng iba na naman,” aniya.

“So ngayon sabi ko, hindi na, iba na, hindi na basta pera-pera na lang. Matuto kang magpahinga, para maipagpatuloy mo pa rin ang ibinigay sa’yo,” dagdag ni Bo0bay.

Credit: @marianrivera Instagram

Naniniwala rin si Bo0bay na kaya siya binigyan ng isa pang pagkakataong mabuhay ay para ipagpatuloy ang pagbibigay niya ng kaligayahan sa ibang tao.

“Siguro kaya ako binigyan ng pagkakataon pa ulit, kasi may purpose pa ako na magpasaya ng mga tao,” saad ng komedyante.