Bokalista ng “Hale” na si Champ Lui Pio, may pasilip sa romantic prenup photoshoot nila ng kanyang non-showbiz girlfriend sa La Union!

Tuloy na tuloy na ang kasal ng bokalista ng Pinoy alternative rock band na “Hale” na si Champ Lui Pio sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Claire Nery.

Credit: @champluipio Instagram

Ngunit bago ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Champ at Claire, sumabak muna sila sa isang romantic prenup photosh00t.

Ginanap sa isang beach resort sa La Union ang prenup photosh00t nina Champ at Claire. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Champ ang mga larawan nila ni Claire na kinunan ng Nice Print Photo.

Makikita sa larawan ng magkasintahan na sila ay masayang nagmamahalan habang magkayakap at sumasayaw kung saan naging background pa nila ang napakagandang sunset.

Tila wala na ngang makakapigil pa sa pag-iisang dibdib ng dalawa ngayong taon base naman sa isinulat na caption ni Champ sa kanyang post.

Credit: @champluipio Instagram

Saad ni Champ, “This 2022 there’s no stopping us.” Kalakip ng caption ni Champ ang hashtag na “LuiPios” at isang wedding ring emoji.

Hindi naman sinabi ni Champ kung kailan gaganapin ang kanilang kasal.

Samantala, maraming netizens ang kinilig sa romantic at sweet prenup photo ng dalawa lalo na ang mga tagahanga ng banda ni Champ. Komento nila:

“My childhood crush is getting married!!! Congrats”

Credit: @champluipio Instagram

“Kinikilig ako sa inyo @champluipio @clairenery Congratulations”

“waaaah, my labs @champluipio congratulations and best wishes po sa inyo ni wifey nakakakilig ang guapo at ganda sobra”

“Congrats Idol Kuya @champluipio and claire”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Champ Lui Pio (@champluipio)

Kilala si Champ bilang boses sa likod ng mga OPM hit na “The Day You Said Goodbye”, “Kung Wala Ka”, “Kahit Pa”, at “Blue Sky”.

Matatandaang taong 2018 nang magsimulang magbahagi si Champ ng mga larawan sa social media kasama si Claire.

Noong September 2019, nabigla naman ang lahat nang inanunsyo ni Champ na magiging ama na siya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang maternity photos kasama si Claire sa Siargao.

At October 2019 nang ipinakilala ni Champ sa publiko ang panganay na anak nila ni Claire na pinangalanan nilang Caden.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na huling nakarelasyon ni Champ ang aktres na si Louise delos Reyes.

Sa ngayon, nasa masayang relasyon na rin ang Kapamilya actress sa isang non-showbiz guy.