Bonding moments at kulitan ni Baron Geisler at anak na si Talitha Cumi, kinagiliwan ng netizens!

Ano pa ba ang mas ikasasaya para sa isang ama maliban sa pagkakaroon ng “quality time” kasama ang pinakamamahal na anak?

Credit: @baron.geisler Instagram

Hindi naman sikreto sa karamihan ang nakaraan ni Baron Geisler kung saan ay naligaw siya ng landas at muntik nang mahulog ng tuluyan sa malagim na kadiliman ng kanyang buhay ngunit nagawa ng aktor na mahanap ang kanyang sarili at naniwalang siya’y magbabago para sa ikabubuti na hindi naman nagtagal ay kanyang nakamit.

Sa kanyang pagbabagong buhay, enjoy na enjoy na ngayon sa kanyang buhay ang aktor kung saan ay maliban sa talento sa acting, patuloy din siyang nagbibigay inspirasyon sa mga taong minsan na ring nawalan ng direksyon sa buhay.

Credit: @baron.geisler Instagram

Hindi lamang sa kahusayan at hindi matatawarang galing sa pag-arte napapahanga ni Baron ang netizens dahil labis din siyang kinabibiliban ng karamihan dahil sa pagiging responsable niyang ama sa anak na si Talitha Cumi.

Lunes, November 15 nang ibinahagi ni Baron sa kanyang Instagram account ang mga nakakagiliw at nakakatuwa nilang moments ng anak sa kanilang “Fun Day” na ginanap nila sa isang Pororo Park.

“Play is for the young and old! 😀,” ayon sa aktor kalakip ng mga larawan nila ni Talitha kung saan ay makikitang sabay silang nag-enjoy sa slide, sumakay sa iba’t-ibang rides, at marami pang iba.

Talagang sinulit ni Baron ang kanyang buong araw sa pakikipaglaro at pakikipagkulitan sa anak na tila ba’y bumalik din siya sa pagiging bata.

Credit: @baron.geisler Instagram

Kaagad naman na inulan ng iba’t-ibang papuri galing sa kanyang fans at netizens ang comment section ng mismong post ng aktor na talagang kinagiliwan ang mga larawan nila ni Talitha.

“stay happy and bless @baron.geisler 💕🙏”

“Mukhang foreigner bunsoy mo ❤️🥰 bless you all 🙏”

“Cuties!❤️”

Credit: @baron.geisler Instagram

“subrang ganda ng anak nyo. po . mistisa cebuana 😍😍❤️❤️❤️❤️”

Isang napakalaking pagbabago para kay Baron ang pagiging ama dahil ito ang pumukaw sa kanyang damdamin na iwan ang kanyang madilim na nakaraan at magsimula ng panibago at masayang buhay kasama ang kanyang cute na anak na si baby Talitha.

Credit: @baron.geisler Instagram

Kung noo’y isa lamang [email protected] ang tingin ng karamihan kay Baron, ngayon ay isa na siyang matapang na tao na handang magbago at iwanan ang lahat ng bisyo upang maging isang mabuting ama sa pinakamamahal na anak na siyang nagsilbing ilaw niya matapos lisanin ang madilim niyang kahapon.