Bonding sesh ni Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang kanilang mga chikiting, bentang-benta sa netizens!

Mapapansin naman sa bawat titigan at bawat galaw ng couple na si Marian Rivera at Dingdong Dantes na in love talaga sila sa isa’t-isa kaya sumasalamin din ang kanilang pagmamahalan sa relationship na meron sila sa kanilang mga anak dahilan kung bakit patuloy na kinahuhumalingan ng karamihan ang kagandahan ng kanilang pamilya.

Credit: Marian Rivera Facebook

Marami na tayong nalalamang storya ng pag-ibig na ipinagtagpo ng tadhana sa mundo ng showbiz ngunit bibihira lamang sa kanila ang patuloy na pinagtitibay ng panahon sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay kung saan ay karamihan sa mga ito ay mga problema na madalas na nangyayari sa industriya at isa na nga sa mga couple na ito ay si Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Parehong sikat na mga personalidad sa telebisyon si Marian at Dingdong kaya hindi talaga easy para sa kanila na i-balance ang kanilang buhay sa loob at labas sa showbiz ngunit sa nakaraang mga taon, napagtagumpayan naman nila na mabigyan ng maayos at tahimik na buhay ang kanilang dalawang chikiting na si Zia at baby Jose Sixto. Sa katunayan, kahit na’y parehong busy sa kani-kanilang schedule at projects, sinisigurado naman ng couple na nakakapaglaan pa rin sila ng oras sa kanilang mga anak at kumakailan nga ay muli nating natunghayan ang bonding sesh ng kanilang pamilya.

Credit: Marian Rivera Facebook

Sa update ng aktres sa kanyang official na Facebook page nito lamang Linggo, ibinahagi ni Marian ang maikling video kung saan ay mapapanood na at maririnig ang pagkanta ng kanyang mga chikiting ng “Ob-La-Di, Ob-La-Da” na isa sa mga sikat na kanta ng The Beatles.

Sa likod naman ni Zia at Jose Sixto ay makikita ang kanilang Daddy Dingdong na nakaupo sa sofa at nagpapatunog ng kanyang guitar habang rinig na rinig naman sa video ang tawa at palakpak ng kanilang Mommy Marian.

“Sunday jamming🥰❤️,” caption ng aktres.

Credit: Marian Rivera Facebook

Madalas man na busy sa kanilang work, hindi naman pinapalagpas ni Marian at Dingdong ang bawat weekend nang hindi sila nakakapag-bonding kasama ang kanilang mga chikiting na idinaan nila sa music jamming.

Credit: Marian Rivera Facebook

Dahil sa precious na moment na ito ng pamilyang Rivera-Dantes, kaagad na na-hook ang netizens sa kanilang wholesome na bonding sesh.