Comeback is real para sa nag-iisang “Box Office King” na si John Lloyd Cruz.
Credit: @crownartistmgmt Instagram
Ito ay matapos i-anunsyo ng Crown Artist Management Inc., ang talent agency na pagmamay-ari ng aktres na si Maja Salvador, sa kanilang Instagram account na nasa ilalim na ng kanilang pangangalaga si John Lloyd.
Opisyal itong pagbabalik ni John Lloyd sa mainstream showbiz matapos ang ilang taon na pagliban niya.
View this post on Instagram
“We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM) #JLCTheCAMback#CrownArtistManagement#CAM,” mababasa sa Instagram post ng CAM.
Ibinahagi naman ng CAM ang isang video ng official comeback ni John Lloyd kung saan mapapanood ang pagbaba niya mula sa isang private plane.
Isang serye rin ng mga litrato ni John Lloyd ang ipinost ng CAM para ipakilala ang aktor bilang kanilang bagong talent. Sa mga litrato, ibinida ni John Lloyd ang kanyang fresh at new look.
Credit: @crownartistmgmt Instagram
Matatandaang ang huling box-office hit movie project ni John Lloyd ay noon pang 2017 na “Finally Found Someone” kung saan ay nakatambal niya si Sarah Geronimo.
Kasunod ng nasabing pelikula, inanunsyo ni John Lloyd na magkakaroon siya ng “indefinite leave of absence” sa showbiz.
Samantala, noong nakaraang 2018 ay naging ganap na ama si John Lloyd kay Ellias Modesto, ang kanyang anak sa kanyang dating kasintahan na si Ellen Adarna.
Credit: @crownartistmgmt Instagram
Sa kanyang pagliban sa showbiz ay ilang beses namang namataan si John Lloyd na namumuhay nang payak at masaya sa probinsya.
Sa kanyang pagbabalik ay hindi naman mapigilan ng fans at supporters ni John Lloyd na ma-excite para sa kanyang mga future TV project.
View this post on Instagram
Narito ang ilang komento ng netizens sa pagbabalik-showbiz ni John Lloyd:
“grabeee ung smile sa huliJLC.. iba ka talaga..tagal ko hinintay pagbabalik mo finally”
“The best!!! San channel kaya siya excited for a movie or show ni popoyyyyyy”
Credit: @crownartistmgmt Instagram
“excited to see him again in many projects. Welcome back JLC!”
“Uwian na, may nanalo na #thekingisback exciting legit caliber actor”
“Yay! Goosebump pa ako iba talaga pag JLC para lee min ho ang dating. One word to describe ASTIG”