Boyfriend ni Angelica Panganiban, naging emosyonal sa unang ultrasound ng kanilang baby

Bibihira lamang na masaksihan natin ang mga ama o ‘di kaya’y soon-to-be Daddy na magpakita ng emosyon ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay kasingtigas na ng bato ang kanilang mga puso dahil may mga pagkakataon naman kung saan ay hindi nila napipigilan ang kanilang emosyon at napapaiyak na lamang.

Credit: @iamangelicap Instagram

Simula nang ibinunyag ni Angelica Panganiban ang identity ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso na si Gregg Homan, marami sa netizens ang sumusubaybay sa kanilang bawat moment lalo na’t sobra umanong perfect nila para sa isa’t-isa dahil sa pagiging outgoing ng aktres at pagiging aloof naman ng kanyang boyfriend. Matching vibes talaga ang combination ni Angelica at Gregg!

Maraming taon naman ang lumipas at unti-unti namang nagbabago ang iilang expectations at mga nakasanayan, tila’y hindi pa rin tuluyan na nawawala sa isipan ng iilan sa atin na dapat matatag ang damdamin ng mga kalalakihan dahil mga babae lamang ang nagpapadala sa kanilang emosyon ngunit para kay Gregg Homan, hindi niya kailanman inalintana ang lumang expectations na ito dahil open talaga siya sa pagmamahal na nararamdaman para kay Angelica at hindi nauubusan ng sweet na gestures dahilan kung bakit marami sa netizens ang kanyang napapakilig.

Credit: @iamangelicap Instagram

Hindi lamang sa bawat date o bonding moments nila ni Angelica nagiging sweet at soft si Gregg dahil muli itong nasaksihan ng kanilang fans sa pinakaunang ultrasound session ng couple kung saan ay hindi niya napigilan na maging emosyonal nang nakita sa sonogram ang magiging baby nila ng aktres.

Sa ikalawang vlog na ibinahagi ng couple sa kanilang Youtube channel na “The Homans” kung saan ay mapapanood silang nagbo-bonding sa kusina habang gumagawa ng Skillet-Roasted Lemon Chicken, nabanggit ni Gregg ang kanyang “iyak moment” sa pinakaunang ultrasound session nila ni Angelica.

Credit: @iamangelicap Instagram

“Alam mo ‘yung nakakaiyak? Nung nakita namin ‘yung first ultrasound namin. Iyon ‘yung nakakaiyak,” pahayag ni Gregg habang abala sa pagbabalat ng sibuyas.

Sa ipinasilip na video ng couple, mapapanood kung paano naging emosyonal si Gregg habang naaaliw naman si Angelica sa naging reaksyon ng boyfriend nang nakita nila sa unang pagkakataon ang kanilang magiging baby sa screen.

“Paano ‘yung iyak? Tumatawa ka nun,” panunukso ni Angelica habang ginagaya ang pag-iyak ni Gregg.

Credit: @iamangelicap Instagram

Kahit na’y gaano kasanay ang isang lalaki na itago ang emosyon o reaksyon, may instances talaga sa buhay na talagang nakakapukaw ng damdamin. Isa na nga sa mga pagkakataong ito ay kapag anak na ang pinag-uusapan kaya ganoon na lamang ang ka-adorable ang naging reaction ni Gregg Homan.