Brand new at astig na pickup truck ang ini-regalo ni Melai Cantiveros sa kanyang mister na si Jason Francisco

Ang pagbibigay ng regalo ay isa lamang sa maraming paraan na pwedeng nating gawin upang maiparamdam natin ang ating pagmamahal sa isang tao. Madalas naman tayong nagbibigay ng mga regalo sa mga mahal natin sa buhay kapag mayroong espesyal na okasyon o tuwing panahon ng kapaskuhan.

Credit: Melason Official YouTube      

Tulad na lamang ng TV host-actress na si Melai Cantiveros na sinurpresa ang kanyang mister na si Kapuso actor Jason Francisco ng isang brand new pickup truck nitong nakaraang Pasko.

Credit: Melason Official YouTube

Mapapanood sa kanilang YouTube channel na “Melason Official YouTube” ang pagsusurpresa ng “Magandang Buhay” host sa kanyang mister.

Sa umpisa ng vlog ay makikita si Melai na tinatanong si Jason kung ano ang gusto nitong matanggap na regalo sa Pasko.

Credit: Melason Official YouTube

Kilala ng lahat si Jason bilang isang simpleng tao kaya naman aniya, masaya na umano siya kung makatanggap siya ng isang aso, isda o hindi naman kaya makapag-travel sila ng kanyang pamilya. At kahit may kutob na siyang reregaluhan siya ni Melai, halos wala pa ring masabi si Jason nang makita na niya ang brand new pickup truck.

Makikita sa vlog ang speechless reaction ni Jason habang ibinibigay sa kanya ang susi ng kanyang bagong pickup truck.

Credit: Melason Official YouTube

Bukod sa pagkagulat ay larawan din ang kasiyahan sa mukha ni Jason dahil sa regalo ni Melai sa kanya.

“Papang, are you happy?,” tanong ni Melai kay Jason habang nasa loob ito ng bago nitong pickup truck.

“Wala akong masabi…happy. Thank you,” tugon naman ni Jason sa tanong ni Melai.

Credit: Melason Official YouTube

Samantala, ikwenento naman ni Melai na matagal din niyang itinago ang kanyang sorpresa kay Jason. Alam din umano niya na maituturing ni Jason na pinakamagandang regalo ang ireregalo niyang pickup truck.

Kwento pa ni Melai, pangarap umano na sasakyan ni Jason ang nasabing pickup truck.

Ani Melai, “Grabe ko nang [itinatago] ‘to and napagtagumpayan na namin. Ito talaga ang masasabi niyang ‘the best gift ever’ dahil matagal na niya itong pinangarap at ang color nito is the best for him. So, I’m sure magugustuhan niya ‘to!”

Credit: Melason Official YouTube

Sina Melai at Jason ay ikinasal noong Disyembre 9, 2013. At kamakailan lamang, ipinagdiwang nila ang kanilang ika-7 wedding anniversary.

Sa isang episode ng “Magandang Buhay” noong nakaraang buwan, mapapanood naman ang renewal of wedding vows nina Melai at Jason.

Credit: Melason Official YouTube

Sa kanilang pitong taon na pagsasama bilang mag-asawa ay biniyayaan sina Melai at Jason ng dalawang anak na sina Amelia “Mela” Lucille at Stella Rosalind.

Sa mga hindi nakakaalam, unang nabuo ang love story nina Melai at Jason o “MelaSon” sa Pinoy Big Brother house noong 2009.