Isa sa mga Pinay na nagbigay ng labis na karangalan sa bansa sa larangan ng sining at pagkanta ang singer-actress na si Lea Salonga.
Credit: @msleasalonga Instagram
Sumikat si Lea dahil sa kanyang napakagandang boses at galing sa pag-arte nang bumida siya sa ilang international musical theater shows tulad ng mga Broadway show na “Miss Saigon” at “Les Misérables”.
Pagdating naman sa Philippine television kaliwa’t kanang role rin ang ginampanan ni Lea katulad ng kanyang mga pelikula na “Sana Maulit Muli” at “Bakit Labis Kitang Mahal”.
Labis na kinakiligan ng marami ang mga pelikula ni Lea lalo na dahil katambal niya rito ang guwapong aktor na si Aga Muhlach.
Credit: @msleasalonga Instagram
Kabilang nga ang loveteam nina Lea at Aga sa mga sinusundan at kinakikiligang loveteam noon.
At lumipas man ang napakaraming taon, hindi naman nawawala ang mga tagahanga ng “LeaGa”. Sa katunayan, maraming mga tagahanga ng LeaGa ang labis na natuwa at kinilig matapos na magpalitan ng mga text message ang kanilang paboritong loveteam sa ika-50 kaarawan ni Lea.
Nito lamang February 22, nagdiwang ang Broadway Diva ng kanyang ika-50 kaarawan at ibinahagi niya na binati siya ni Aga.
Ipinost mismo ni Lea sa kanyang Instagram ang screenshot photo ng palitan ng mga mensahe nila ni Aga.
Credit: @msleasalonga Instagram
Mababasa sa litrato na binati ni Aga si Lea ng, “Happy birthday dearest!!!!”
Mukhang nabigla naman siya sa mensahe ni Aga.
Nag-reply si Lea sa mensahe nito at sinabing, “Uy! You’re alive! Thank you!”
51-taong gulang na si Aga kaya sabi ni Lea ay sasamahan na umano niya ito sa 50 club.
Ani Lea, “Sinamahan na kita sa 50 club.”
View this post on Instagram
Matapos i-post ni Lea ang litrato, bumaha naman ang mga komento mula sa kanilang mga masugid na tagahanga. Komento nila:
“Nakakakilig pa rin. HAHAHA Coach!”
“Kinikilig ako…kainis Happy Birthday”
“Ang sweet bumabalik ang nakaraan hahahaha”
Credit: @msleasalonga Instagram
Matatandaan na marami ang nalungkot dahil hindi nagkatuluyan sina Lea at Aga sa totoong buhay kahit na halata naman noon na may pagtingin sila para sa isa’t isa at hindi maitatangging ‘chemistry’.
Noong si Lea ay nag-guest sa ‘Magandang Buhay’ noong 2017, isiniwalat niya na kaya hindi sila nagkatuluyan ni Aga ay dahil sa hindi umano umaayon ang panahon sa kanila.
View this post on Instagram
Kwento ni Lea, “Bad timing talaga because when were shooting ‘Bakit Labis Kitang Mahal’, ako iyong may boyfriend sa totoong buhay. Noong ‘Sana Maulit Muli’, during the first part, umiiyak-iyak siya because he had just broken up with a girlfriend.”
Credit: @msleasalonga Instagram
Dagdag niya, “And then naghiwalay muna kami because he had another movie to make, and I had a musical. So we started doing ‘Sana Maulit Muli’ again. Nagka-girlfriend ulit. Ako naman ang single. So talagang hindi kami meant in real life.”
Ngayon, masayang kasal si Lea sa Chinese-Japanese businessman na si Robert Charles Chien.