Broadway diva na si Rachelle Ann Go, isinilang na ang panganay na anak na si Lukas Judah

Isa nang ganap na mommy ang Broadway diva na si Rachelle Ann Go. Isinilang ni Rachelle Ann ang panganay na anak nila ng kanyang mister na si Martin Spies, isang South-African born businessman, nitong March 26 sa London, United Kingdom.

Credit: @gorachelleann Instagram

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Rachelle Ann ang unang family picture nila ni Martin kasama ang kanilang bagong silang na anak.

Isang malusog na baby boy ang panganay na anak nina Rachelle Ann at Martin.

Malawak na nakangiti ang “Miss Saigon” actress-singer sa larawan habang kalong-kalong niya sa kanyang bisig ang kanilang unang anak. Larawan din sa mukha ni Martin ang labis na kasiyahan sa pagdating ng kanilang anak.

Credit: @gorachelleann Instagram

Malalim naman ang kahulugan ng piniling pangalan nina Rachelle Ann at Martin para sa kanilang unang anak na hango mula sa ilang karakter sa Bibliya.

Pinangalanan nina Rachelle Ann at Martin ang kanilang gwapong anak na Lukas Judah.

Ayon kay Rachelle Ann, ibig sabihin umano ng “Lukas” ay “bringer of light” habang ang “Judah” naman ay nangangahulugang “praised”.

Credit: @gorachelleann Instagram

“Lukas Judah Spies has arrived! Born on March 26, 2021 🙂 Lukas – bringer of light Judah – praised, let Him be praised,” caption ni Rachelle Ann sa kanyang Instagram post.

Unang ibinalita ni Rachelle Ann sa lahat ang kanyang pagbubuntis noong November 2020 sa kanyang YouTube channel.

Ngunit sa kanyang vlog ay ibinunyag niyang August 2020 pa nila nalaman ni Martin na sila ay magiging magulang na.

Credit: @gorachelleann Instagram

Sa vlog, ibinahagi ni Rachelle Ann na hindi siya makapaniwala na magiging ina na siya. Gayundin, inihayag niya kung gaano sila nagpapasalamat ni Martin sa bagong biyaya na ibinigay sa kanila ng Diyos.

“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh I cannot believe I am going to be a momma,” ani Rachelle.

Excited na rin si Rachelle Ann at Martin sa susunod na kabanata ng kanilang buhay mag-asawa bilang mga magulang.

Credit: @gorachelleann Instagram

Matatandaang noong 2018 ginanap ang pag-iisang dibdib nina Rachelle Ann at Martin sa isang beach resort sa Boracay.

At noong April 18, 2020, masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-2 wedding anniversary sa kanilang bahay sa gitna ng l0ckdown sa London.